C2: Fans Club Agad?!?!

75 2 4
                                    

Alona's POV

I'm Alona.

I think alam niyo na dahil nakalagay sa taas na POV ko to.

Nagkaroon ng gulo sa cafeteria kanina.

Kasama ko lang naman si Johanna sa table nang may sumigaw.

Psh. Si Ira lang pala. Yung classmate namin.

"Uy, ba't sumisigaw si Ira?" bulong ni Johanna sakin.

"Ewan ko." sagot ko.

Nanood lang kami.

Sa kalagitnaan ng pag-aaway nina Ira at JC..

"Psst. Bagay sila noh?" may taong bumulong sa likod ko. Psh. Si Denz lang pala.

Natawa ako. "Ba't mo naman naisip yan?"

"Oo nga. Tama si Denz." agree ni Johanna.

"Sige na. Bagay na sila. So anong tawag sa loveteam nila? IJC?" tanong ko.

"Psh. Ang haba!" nag-disagree si Johanna.

"IC nalang para cool pakinggan!" suggestion ni Denz.

"Psh. Baduy!" nag-disagree ulit si Johanna. "IJC nalang."

Teka..

Idea ko yun ha!

Pero di ko na sinabi.

"Ok! So from now on, may fans club na sila!" sabi ni Denz.

"Ha? Sino?" tanong ko.

"Tayo! Obviously!" sabay nilang bulong na medyo malakas.

I nodded my head.

Fine.

IJC fans club member na ako.

Kinabukasan.....

Denz's POV

POV ko daw to? Cool!

Ako si Denz! Denz nalang itawag niyo sakin.

Breaktime nanaman..

Nagmeeting kami ng IJC fans club.

Pero apat na kami dahil sumali si Kenya.

"So guys, magiging cupid tayo ngayon." panimula ni Johanna.

"Cupid? Psh." kumontra si Alona. Ito talagang si Alona! Laging kumokontra.

"Did somebody say CUPID?" may sumigaw sa likod namin. Si Alvin lang pala, classmate namin.

Lahat kami tumingin sa kanya.

"Do you know that Cupid is the god of Love? He is not an angel like the images say." nagtrivia pa siya. Kuya Kim?

We just stared at him as if halimaw siya.

"Oh never mind."

Psh. Good.

So tumuloy na kami.

"Paano naman tayo magiging cupid?" tanong ni Kenya.

"Oo nga noh." napaisip si Johanna. Psh. Siya nga yung may idea di nya pa alam!

"May naisip na ako!" sabi ni Alona.

"Ha? Ano?" tanong ko.

Binulong niya sa amin yung plano.

Then...

"Bright idea!" sigaw ni Johanna.

"Eh paano natin sila iseset up?" tanong ni Kenya.

"Eh bakit niyo naman kami iseset up?" tanong ni JC. Teka..

Ni JC?!

"JC??!" sigaw naming apat sa gulat.

"Oo. Narinig ko." sabi ni JC. Ngumiti pa siya.

"Bwisit ka! Ba't ka nakikinig sa usapan ng iba?" sabi ni Alona in a calm but angry manner.

"Wala lang. Narinig ko kasi ang pangalan ko." sabi ni JC.

"Wag ka ngang makialam! Bagay kayo ni Ira!" sabi ni Johanna.

"Bakit naman kami naging bagay?" tanong ni JC.

"Sweet kasi kayo kahapon." sagot ni Kenya.

"Psh. Ang dudumi ng utak niyo! Nagsigawan lang, sweet agad?!" sabi ni JC in an annoyed manner.

Nagsalita na ako. "You cannot blame us dahil sweet talaga kayo."

"Psh. Naarinig ko rin yun!!!" may sumigaw mula sa likod namin.

Paglingon namin..

Uh oh. Si Ira!

"Hi!" kaway ni JC sa kanya.

"Shatap!" sigaw ni Ira sa kanya.

Uminit ang ulo ni Ira.

"Humanda kayong lahat sa akin!" at naglakad si Ira palayo.

Pero lumingon siya ulit.

"Magbayad ka na JC!" pahabol niya. At tuluyan na siyang nag walk out.

-------------------

[A/N: High school nga pala ang role natin dito, Anthonians! 👫👬👭👫👬👭👫👬👭👫]

Da Anthonians [Official Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon