Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya, ni isa nga walang pumasok sa isip ko.

Nawala ako sa pag-iisip ko nang may biglang kumalabit sa'kin kaya agad na kumunot ang noo ko bago nilingon ito nang may masamang tingin.

"What?"napalunok ito at napatingin sa baba.

"A-a-ano t-tinatanong k-ka ni Sir."nauutal na sabi niya. I just rolled my eyeballs in annoyance.

"What is it, Sir?"tanong ko at walang ganang tumayo.

"What happened to Intramuros after the war between America and Japan?"inayos niya ang salamin niya bago ako tiningnan nang diretso.

"Hindi ko alam wala naman ako du'n sa pangyayari."sabi ko sabay dampot nang bag ko,  at naglakad papunta sa pinto pero bago pa ako tuluyang makalabas ay nagsalita ulit si Sir.

"Where do you think you're going, Ms. Montenegro?"

"It's none of your business, Sir." Pinikit ni Sir ang kanyang mga mata na para bang magtitimpi.

"Of course, Ms. Montenegro, it is my business because I'm teaching you about the history of our beloved country. At dahil na din sa pag-disrespect mo sa akin dahil wala pang time ay lalabas ka na sa klase ko na para bang ayaw mong makinig sa aking mga sasabihin."speech niya kaya bored akong lumingon sa kanya.

"Exactly, I don't want to listen to your fvcking boring lessons." Lumingon ako sa mga classmates ko. "Right, guys?" Binigyan ko silang lahat ng sumangayon-kayo-kundi-ay-may-mangyayaring-masama-look kaya lahat ay tumango at sumamg-ayon.

"Opo, Sir. Ang boring po ng lessons."

"Tulog na nga po si Charlie, eh."

"*Yawn*"

Tiningnan ko si Sir at nakita ko siyang pulang-pula sa galit. Padabog nitong kinuha ang mga gamit at naunang lumabas sa room kahit hindi pa time.

Haaays... Inunahan pa ako.

***

Natutulog ako dito sa library nang makarinig ako ng ingay. Matitinis na boses na alam kong nanggagaling sa labas. Alangan namang dito sa loob ng library, diba?

Kumuyom ang mga kamay ko. Nagpunta ako rito dahil tahimik at gusto kong matulog at magpahinga. Dito pa talaga sila sa library malapit gumawa ng ingay?

Lumabas ako nang library at hinanap kung saan nanggaling ang matinis na boses na 'yon. Sisiguraduhin kong malalagot sila sakin! dahil sinira nila 'yong beauty rest ko!

Sa kasamaang palad natagpuan ko sila dito sa likod nang library. Nakita ko ang isang nakaluhod na babae na sa tingin ko ay umiiyak dahil tumataas baba ang kanyang balikat at nakapalibot naman sa kanya ang limang babae.

Sumandal ako sa puno at pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko habang bored silang pinapanuod sa mga kadramahan nila.

"Oh you're a crying baby pala!hahaha"

"So pathetic!"

"Buti lang yan sayo! you fvcking deserve it!"

"You will sumbong-sumbong na us sa mommy mo?ugly nerd huh?"

"Not just an ugly nerd, but an ugly duckling too hahaha!"

"Hahaha!"

Napa-irap ako sa hangin dahil sa mga pinagsasabi nila. Ang a-arte ng mga 'to, akala mo kung sinong kagandahan,e mukha namang mga clown. Tss. May pa-bully bully pa!

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon