Kabanata 3:Pagtitipon

4 0 0
                                    

Hindi makapagsalita ang emperador ng makitang nasa harapan nila ang nammuno sa allied."Sapat na ba ang ninakaw mo o kulang pa?".Walang anu-ano tinulak ng emperador si zuho at mabilis na pinaandar ang kariton na pinapatakbo ng isang kabayo.


"Bilis".




Naiwan ang kasama nitong tagasuri.Sa bilis ng kilos ng emperador ay hindi nagawa ni zuho na habulin pa ito.Tumayo siya at hindi man lang ininda ang pananakit ng braso na tumama sa bakal na yero.







"Magkikita rin tayo muli,matandang magnanakaw".Sambit ni zuho sa sarili at hinahabol ng paningin ang papalayong kariton ng emperador.










Natuon naman ang kanyang paningin sa naiwang tagasuri.Imbis na saktan ay iniabot pa niya ang mga palad rito upang tulungan tumayo."P-patawad napag-utusan  lang a---".










"Hindi mo kailangan humingi ng tawad,Hindi mo naman ginusto ang nangyari,nadala ka lang sa sentimo na ibabayad nya sayo,Basta aalalahanin mo,Ang mandaya ay hindi patas na laro".
Sa bawat binibitawang salita ni zuho ay mistulang puro pagpapakumbaba.Iyon ang isa sa natutunan nya sa kanyang mga magulang,Ang magpatawad at magpakumbaba."Humayo ka,At itama ang iyong naging pagkakamali".








"M-maraming salamat,napakabuti mo ".Panay sa pagyuko ang tagasuri bilang pasasalamat.At tumigil lang ito nang umalis na si zuho sa kanyang harapan.











Nakauwi na sa mosko sila zuho,at ang buong allied.Bakas ang kalungkutan sa mata ng mga ito."Anong bumabagabag sa iyong isipan?" tanong ni zuho sa isang kasamahan,At sabay inom ng alak na gawa sa ubas.








"Naisip ko lang,Bakit hindi pa natin pinuruhan ang emperador?".nagtatakang tanong nito para sa lahat.





Sumagot si twigo,isa sa mga allied."Dahil nakatakas sya".Simpleng tugon nito.






"Ngunit naabutan sya ni zuho kanina,nakita ko sila,Pero bakit hinayaan mo syang makatakas,Zuho?".Hindi pa rin maliwanagan ang ilang kasamahan ni zuho sa kanyang ginawang pagpapatakas sa emperador.









Tumayo si zuho mula sa malaking bato at hinarap ang mga kasamahan."Dahil hindi pa nya oras".Naguluhan ang nakararami.








"Anong nais mong tukuyin?".






"Ang emperador ay tuso,Paniguradong babalik na naman sya dito sa mosko,at sa jundo kasama ang kanyang panibagong hukbo para manggulo." Giit ni Losgan.Isa rin sa allied.










"Iyan ay posible,pero ang emperador ay maraming alas,Oras na patayin natin sya,baka  hindi natin kayanin ang kapangyarihan ng mga taong nasa paligid nya,Ang taga-lhandeio,Hindi pa sapat ang bilang natin para sumabak sa isang gera,Masyado silang marami kumpara sa atin,At ayokong dumating ang panahon na unti-unti nilang patayin ang mga mamamayan dito sa seraphose ,kaya kung maari,takutin nalang natin sya,para hindi na nya gambalain ang ating bayan".








Bakas sa mukha ng bawat isa ang pagkagulat at pagkadismaya.Matagal na nilang gustong mapaslang ang emperador,at kanina sana ang pagkakataong iyon,pero pinalampas ni zuho.





"Sang-ayon ako kay zuho!Ang mga frado na mamamayan  ng seraphose ay kailangan ng kapayapaan,at magagawa  lang natin iyon,kung hindi tayo lalampas sa guhit," Pagtutukoy nito sa limitasyon.





"Ngunit kaya hindi makalaya ang bayan natin ay dahil na rin sa emperador at sa mga tao sa lhandeio."








Umupo muli si zuho aymt kinuha ang sibat.At itoy hinasa habang tuloy pa rin sa pakikinig sa mga kasama."kaya nga gagawa  tayo ng paraan para dumami,at maging sapat ang hukbo natin para labanan ang hukbo ng lhandeio,at bigyang karapatan ang bawat mamamayan ng seraphose".Sambit nito.








Nagsindi ng apoy si yusho gamit ang pinagkiskis na kahoy."tunay na napakadakila  ng iyong puso,zuho,mas binibigyan prayoridad mo ang mamamayan kaysa sa pansarili mo".








"Ayoko lang na ang isang pagkakamali natin,ay maging isang malaking gulo,May tamang panahon para kitilin ang buhay ng matandang iyon,Pero hindi pa sa ngayon".Lumapit ito sa mga kasama tinapunan ang bawat isa ng makabuluhang tingin."At ayoko na mas pahirapan ng mga taga-lhandeio ang mamamayan ng mosko at jundo,dahil sa pagpatay natin sa isa nilang kamay,ang emperador ".

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jan 29, 2019 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

The Princess Of Arnimathopiaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें