Kabanata 1:Pagdiriwang

15 0 0
                                    

Sa isang malayong lugar nakatayo ang isang palasyo na pinamumunuan ng Reyna at Hari.Sina Haring Daigo at Reyna Fashi.Sila ang nagpapalaganap at nangugunsinti ng katiwalian sa buong bayan ng seraphose.May nag-iisa silang anak na babae,Walang iba kundi si Prinsesa Maraya,Isang marikit,kaakit-akit sa ganda at kinis ng balat,Wala nang mapipintas sa kanya,dahil bukod sa taglay nyang kagandahan ay mahusay rin sya sa pakikipagtalastasan,Tunay na nakakahanga.






Buong bayan ay naghahanda na para sa pagdiriwang,Isang tradisyon bilang pasasalamat,At pag-aalay ng mga buhay na hayop,tulad ng tupa,kambing at oso.Ang syudad ng seraphose ay binubuo ng 3 bayan,Ang mosko,jundo,At ang lhandeio.


Ang mosko ay isang maliit na lupain,Na tinitirahan ng mga mahuhusay na mandirigma.



Ang jundo,Ang lupain kung saan laganap ang mangangalakal,na pinapahirapan ng emperador.


At ang lhandeio,Ang pinakamakapangyarihan at mayamang lupain sa seraphose,kung saan nakatayo ang palasyo,na pinamumunuan ng reyna at hari,kasama naninirahan ang mga alipin,at coheka-ang tawag sa kawal.





Kasama rin nakatira dito ay ang pamilya ng pinsan ni haring daigo,Sina reyna hanki at haring shiwo.Na nangmula pa sa kaharian ng postho isa ring mayamang lungsod sa kabilang bayan.Mayroon rin silang kaisa-isang anak na lalaki,si prinsipe malus ang tagapagmana ng kayamanan nila.Madalas rin silang magtungo sa palasyo lalo na kung may ganitong mahalagang pagdiriwang.At dahil na rin sa anak ni haring daigo na si prinsesa maraya ay ganado at masipag tumungo si prinsipe malus.Dahilan na rin na may gusto siya rito.At kamakailan nga lang ay pinagkasundo na silang dalawa para maging mag-asawa.Pero taliwas iyon sa kagustuhan ng prinsesa.








Kasama ang mga kawal.Ay nakaupo sa trono ang mag-asawa.Kasama ang kanilang unika-iha na prinsesa.




"Simulan na ang pagdiriwang!!".Sigaw ng isang moseyo.Ang tagapagsalita.Nagtipon-tipon ang lahat.Sa harap ng reyna't hari.Nagsilab ng isang malaking apoy,At sa kabilang banda naman ay hawak na ng 6 na kawal ang hinuling hayop na iaalay.Ang mga alipin naman ay ,ang nagsisilbing tagapaghatid ng pagkain sa mga nakatataas.Kabilang ang emperador na si naino na mahalaga panauhin.At ang pamilya ni prinsipe malus.






"Tanggapin nyo mahal na bathala,ang alay ng bayan ng seraphose para sa inyo!".Makuwalhating nagdasal ang nakararami.At nang matapos ay kanya kanya na silang punta sa mga lamesa na nakahain ang ibat-ibang uri ng pagkain para sa mga tao.






Nagkakagulo ang lahat sa pagkuha ng pagkain,may sumisiksik,may nagtutulakan at may mga nabubuwal dahil sa dami ng naroon.At ang reyna sobrang dismayado sa nakikita.





"Ang mga mamamayan nga naman ng seraphose,mga patay gutom!" Tatawa-tawa nitong pinagmamaadan ang mga tao na natutumba ,dahilan na rin ng labis na pagkagutom.





"Marahil ay nagtrabaho sila ng higit sa oras,kaya ganyan nalang ang pagkagutom nila".Sambit ni haring daigo habang kumakain ng sariwang prutas na tangan ng isang alipin.









Lumapit naman sa direksyon nila ang pinsang si haring shiwo kasama ang reyna shanki.At itutok rin ang mapanghusgang mga mata sa mga tao."Ang bayan nyo ay napapalibutan ng mga Frado,Tunay na nakakatawa,Kumpara sa iba,hindi ba?".Mapamuwisit na turan ng reyna.


Ang frado ay mahirap.Mahihirap na mamamayan.

Mukhang naiintindihan ni reyna fashi ang nais tukuyin nito."Mawalang galang na,Reyna ng postho,Tila nasobrahan yata sa haba ang iyong mga dila,Ang lahat ng bayan ay normal na magkaroon ng frado ,napakaperpekto naman ng bayan mo,kung wala ni isang frado na nakatira dito".Sa tono nito ay mistulang sarkastiko ang pagkakasambit.








Hindi nagustuhan ni reyna hanki ang tono ng reyna ng lhandeio.
"Anong gusto mong palabasin?na hindi perpekto ang bayan ko?".Tumaas ang tono nito kaya naman hinatak sya ng asawang hari para kausapin."Hindi pa ako tapos kausapin ang reyna".









"Hindi kaba nag-iisip?Nasa teritoryo nila tayo,pero kung makipag-usap ka,parang bayan mo to".Galit na binitawan ni haring shiwo ang braso ng reyna."Ikakasal na ang anak mo ,sa anak nya,kaya kung maari lang,Makisama ka ".


Umikot lang ang mata ng reyna ng postho sa sinabi ng asawa.Kadalasan ay hindi nagkakasundo ang dalawang reyna,dahil sa pagkainggit na bumabalot sa kanila.Pero gayunpaman nagkakasundo sila pagdating sa kanilang mga anak.






Bumalik si reyna hanki sa harap ni reyna fashi.At binigyan niya ito ng matalim na tingin."Aalis muna kami ng aking asawa,may aasikasuhin lang kami,Pero babalik kami bago magtakip-silim" Turan nito ngunit hindi sya kinibo ni reyna fashi.bagkus ay tumayo ito at tumunga sa tabi ng prinsesa.Tumaas ang kilay ni reyna hanki."Wala talagang galang ang mga taga-seraphose".
May pagkadesmayadong anito.






Ngunit hindi iyon nakalampas sa pandinig ni reyna fashi.Muli syang humarap rito at binabasa ang nasa isip nito."Ano pang tinatayo mo riyan?Humayo ka na't umalis" Mapang-asar na turan ng nito sa halip na mainis sa sinabi ng reyna ng postho.









Habang ang dalawa naman,Ang prinsesa at prinsipe ay nag-uusap,aT hindi napapansin ang tensyon sa pagitan ng kanilang magulang.Hanggang lumapit ang reyna ng postho kay reyna fashi at tinaasan ito ng kilay.Doon napalingon ang prinsesa at umalis para lapitan ang dalawa.Habang ang hari ay nakatingin lang at hinahayaan sila.






"Anong nangayari dito,mahal na ina?" tanong ng prinsesa.Pero tinignan lang sya nito."Hindi ako manghuhula para malaman ang away nyo,Sabihin nyo ng malaman ko ang dahilan ng matatalim nyong palitan ng tingin".Lumalabas na naman ang pagkatalastasan ng prinsesa.





Ang prinsesa ay tinuturing na kaibigan ang prinsipe,Pero hindi pa sya pumapayag sa kasunduang naganap.

"Ako'y tutungo na,Mahal na prinsesa".At binigyang galang ni reyna hanki ang prinsesa habang sa ina nito nakatuon ang paningin.


Umiling-iling ang prinsesa.
"Tunay na magaling kayong magtago ng hinanakit,Panatilihin nyo yan,baka sakaling diyan kayo yumaman".At umalis na ito at pumasok sa loob ng palasyo







Hindi pa man tapos ang pagdiriwang ay tila-kaunti nalang ang mga taong narito,Matapos kumain ay lumisan na ang ilan.At ang emperador naman ay tumungo sa bayan ng jundo,para kilatisin ang mga nakuhang ginto at tanso mula rito para pagkakitaan.











Tandaan: Ang pagkasabik sa bagay o pagkain ay dala ng labis na kakulangan o kahirapan,Huwag natin silang husgahan,Dahil tayo pwedeng maging sila anumang oras.

------------Violetlovemuah-----------

The Princess Of ArnimathopiaWhere stories live. Discover now