JHOPEEEEEEEEEE (59)

Start from the beginning
                                    

"Susuportahan kita sa kung ano ang magiging desisyon mo sis, pero sinasabi ko sayong habang maaga aminin mo sa anak mo yung totoo, dahil may posibilidad na magalit siya sayo dahil iisipin niyang nagsinungaling ka sakanya, pero tatanungin kita, Mahal mo pa ba siya?", seryosong tanong niya,

Andito nanaman tayo sa tanong na hirap na hirap kong sagutin,

"Hindi ko alam", sagot ko sakanya,

"Sigurado akong masasagot mo rin yung tanong na yan, at kung ako sayo, sasagutin ko muna yung tanong na yan sa sarili ko bago ako magdesisyon, desisyon na hindi lang para sayo kundi maging sa anak mo, wag kang tutulad kay manong", nakangiting bilin niya saka tumayo at nagpaalam na mag ccr.

Tama siya, dahil hindi lang ako ang makakaapekto sa desisyong gagawin ko,

"Mommyyy you look sad?", lumapit sakin si Janeah at hinawakan yung mukha ko,

Nginitian ko siya saka iniupo sa lap ko,

"Don't mind me baby. Mommy has one question to you, ano yung naramdaman mo nung makita mo yung handsome guy na tumulong sayo?", seryosong tanong ko sakanya,

Umarte naman siya na parang nag-iisip,

"Si tito Hobi mommy? He said that I can call him tito Hobi", tanong niya, di ko alam pero parang may kumirot sa dibdib ko nung tawagin niyang tito yung daddy niya,

"Yes baby siya nga", tangong sagot ko nalang,

"Ahm I feel comfortable with him mommy it's just like we've met before, I like his personality mommy, his small dimple and his smile, I also want to know him more, and I don't know but it feels like I always want to see him but you wouldn't let me do that", nung una ay nakangiti siya tapos biglang sumimangot,

Kanina pa kase siya nag aaya sa Haven, dahil may possibility daw na magkita ulit sila pero sinabi kong hindi pwede dahil pagod ako, pero ang totoo ay iniiwasan ko lang na magkita sila,

"Do you think he will be a good father baby?", tanong ko sakanya, umarte nanaman siyang parang nag-iisip,

"Yes ofcourse mommy! I think he will be a good father just like papa, and everytime we're together it feels like he's my dad and I'm his daughter, so parang I have two daddys mommy", sabi niya saka bigla siyang ngumiti ng pagkaganda ganda,

Feeling ko nakokosensya ko dahil hindi ko masabi sakanya na yung kinikwento niyang lalaki ay yun ang totoong tatay niya,

"Sis tulala ka jan? Kanina ka pa tinatawag ni Janeah", nag snap sa harap ko si Cynth kaya napansing
kong natulala pala ako.

Napapadalas yung pag sspaced out ko dahil sakanya.
-

Nakapagluto na ko't lahat lahat ay wala pa rin si tita, siya nalang ang hinihintay namin para makakain na,

"Sis, ang tagal naman ni tita, nagugutom na ko!", nakangusong reklamo ni Cynth,

Naupo ako sa sofa katabi ng anak kong busy'ng busy sa pagdadamit sa manika niya,

"Lagi ka namang gutom myloves eh- aray joke lang naman eh", pambibiro ni Vern pero kinurot siya ni Cynth sa tagiliran.

Maya maya lang ay nagpasya na kaming kumain kahit wala si tita, mukhang wala siyang balak umuwi ah,

Habang kumakain ay nagkatinginan kami ng makarinig ng tugtog sa labas,

"Ano yun? May nangangaroling?", taas kilay na tanong ko,

"Gaga mayo palang", pambabara naman ni Cynth,

"I'm gonna check it mommy", sabi ni Janeah at nagmadaling bumaba sa upuan niya,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now