Packing tape! Masking tape! Scotch tape! Na-te-tense ako ng sobra. 

"Hi Lucas!" Sulpot ni linta sa likuran namin.

Kaya lang pala lumipat itong si Lucas sa tabi ko ay dahil dumating na pala si linta. Ang galing ng radar niya ha. 

Walang imik si Lucas sa bati niya. Buti nga sa kanya. I gave her a smirk. Pumwesto naman ito sa harapan namin.

"Lucas can you cook my favorite food." Maarte niyang suyo kay Lucas. 

Tiningnan lang siya ni Lucas at tumayo na. Walang imik itong pumunta sa sala. 

Muntik na akong matawa. Isang malaking REJECTION sa kanya. 

"Buti nga sa'yo." Bulong ko habang nililigpit 'yong pinagkainan namin ni Lucas. 

"May sinasabi ka Margaritte Montero?" 

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi na ako nabigla ng tawagin niya ako sa buong pangalan ko dahil alam ko namang sikat ako. 

"Wala!" Mataray kung sagot. 

"Akala mo kung sino ka umasta parang linta naman!" Buwelta nito.

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin ulit sa kanya. 

"Bakit ikaw? Sino ka ba sa inaakala mo?" Balik kong tanong rito.

"Girlfriend niya." Nakataas noo pa nitong sagot.

Wow! Proud pa siya. Mabara nga. 

"Talaga? Sa pagkakaalam ko kasi ako ang girlfriend at ikaw 'yong ex-girlfriend. Ang saya, 'di ba? Nakatira tayo sa iisang bahay. At kung ako iyong tinutukoy mo na parang linta? Well, manigas ka dahil mas matindi kumapit ang linta kaysa sa tuko." 

Tinalikuran ko na siya nang mailagay ko na sa lababo iyong mga pinggan.  Narinig ko pang sinipa niya 'yong upuan. 

I won again. Ako pa talaga hinamon niya sa banatan at patalasan ng dila. Wala pang nakakatalo sakin maliban nalang kay Lucas. Ewan ko ba pero pagdating sa kanya, tiklop ako at supalpal and I admit that. For the first time! Grabe!

Napasandal ako sa dingding habang nanonood ng movie. Umupo naman bigla itong si hitad sa tabi ni Lucas. Makahulugang naabaling naman si Lucs sakin. Grabe! Oo na! Tumayo ako ng tuwid at nagkunwaring may kinakalikot ang lock ng kwintas ko.

"Lucas pakitanggal nga muna nitong necklace ko, 'di ko kaya eh." Sabi ko with matching lambing pa rito. 

Chance ko na ito. Haha! Chance na alin? Singit naman ng utak ko. Chance na lumandi!  

Tumayo naman agad si Lucas at lumapit sakin. Tinanggal niya ang kwintas ko at ibinigay sakin.

Si hitad? Hayun, umuusok ang ilong. Haha! Kulang nalang bumuga siya ng apoy para puwede na siya tawaging the fire dancing tuko. Haha!

Napansin niyo ba na madami akong pangalan para sa kanya? Hindi ko pa kasi alam ang totoong pangalan niya. Tanungin ko nalang kaya si Crush. Assuming? Naman! 

Nagugustuhan ko na yata itong larong 'to. 

"Lucas may beach party si aunt  Ysabelle bukas. Kailangan na pumunta tayo." Nakangiti pa nitong wika at diniinan pa ang salitang 'tayo'.

Napairap ako. Talagang ini-emphasize niya pa ang salitang TAYO. Feelingera at etchosera. 

"Do you have anything to do tomorrow?" Baling naman sakin ni Lucas. 

Shit! Sarap sa tainga. 

"Ako? Wala" Nakangiti kong sagot. 

Mainggit ka ngayon bruha ka! Haha!

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Kde žijí příběhy. Začni objevovat