Chapter 15: Bad Omen

13.9K 333 86
                                    

Chapter 15: Bad Omen

(ROYANA MIRAN'S POV)


It was the end of the day and I was preparing my stuff to go home. I am so tired with all the activities. Pero habang naglalakad sa hallway napatingin na lamang ako sa malaking bintana, I don't what happened but the sky at this moment is kinda gloomy.


"Yana..." Boses ni Miss Arissa ang tumawag sa akin.


Napalingon ako and I saw her crying. Umiiyak siya while reaching my hands.


"Anong nangyari Miss Arissa?" Pag-aalala ko. No one was in the hallway except me and her. Nagpanic ako cause I don't know what to do.


"Patawarin mo ako..." Banggit niya habang patuloy na naiyak at hawak hawak ang mga kamay ko.


"Ho? Bakit naman po, may ginawa po ba kayo?" Pagtataka ko.


"Malalagay ka sa peligro, Yana... Patawad."


"A-ano po?"


"Sabihin mo kay .... na humihingi 'rin ako ng tawad."


"Kanino ho?"


Lumakas ang ihip ng hangin sa labas. Ang kaninang malungkot na kalangitan ay ngayon parang nagagalit na. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Miss Arissa, sumasabay 'din ang ihip ng hangin sa binabanggit niya.


"g..y...neth..."


Hindi ko maintidhan ang sinasabing pangalan ni Miss Arissa dahil sa lakas ng hangin. Napatingin ako sa kalangitan na nagagalit. Biglang bumuhos ang ulan at kumidlat ng malakas. Nang napalingon ako kay Miss Arissa, bigla na lang siya nawala.


"Miss Arissa?"


Lumingon ako sa buong paligid at doon ko na lang nalaman na...


"W-what? A dream?" I gasped while waking up.


**

Nagising ako and then I prepared myself before going to school. I packed my bag and grabbed a sandwich that my mom made before heading out.


"Mama, papasok na ko school!" Banggit ko and then I kissed her cheek.


"Ngayon makukuha overall result ng Practical Test niyo noh?" Tanong ni mama. If you are wondering, yes my mom knows everything about my progress sa school. Because she keeps asking for an update. Ganoon siya kaseryoso kasi ayaw niyang magloko ako.


"Oo ma, pero wag ka na mag expect ng perfect grade ha."


"I won't expect a high grade, pumasa ka lang enough na 'nak."


"Ito talaga si mama, sobrang supportive pagalitan mo naman ako minsan!"


"Osige ipakilala mo nga sa akin 'yung Aaron na nabanggit mo ha! Gusto ko ngang makilala 'yan!" Panenermon niya.


"Ma naman eh! Sige na, alis na ko."


Nak-kwento ko din kay mama pati ang mga taong naencounter ko sa school. I just don't get it bakit type pa din ni mama si Aaron kahit iritang irita ako habang kinukwento siya.


"Ingat ka anak!" Pahabol na pagkaway ni mama. Umalis na ako at dumeretso na papuntang portal. Kung iisipin, di ko akalain na ang dadating ako sa punto na ibang paaralan papasukan ko. Parang dati, eskinita lang dadaanan nasa school na ako. Ngayon dumadaan pa ko sa gubat at portal bago makarating ng paaralan.


Majica AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon