Chapter 9

17 0 0
                                    

Binuksan ni Raphael ang isang napakalaking pintuan na pininturahan ng puti na may doorknob na kulay ginto. Pagkabukas ng pintuan, isa itong library. Manghang-mangha ako sa laki ng kanilang library. Para itong kasing laki ng library ng school. Maganda ang pagpasok ng ilaw sa kwartong ito dahil sa naglalakihang bintana. Marami rin itong koleksyon na books na talagang kahit hindi ka na pumunta sa library.

"After you."sabi ni Raphael na patuloy pa ring hinihimas ang kanyang pasa sa kamay.

Pumasok ako sa magandang library nila at inikot ang aking paningin. Talagang napakaganda. Para akong nasa isang panaginip na ayaw ko ng magising.

"Hoy! Magsasayang nanaman ba tayo ng oras?"sabi ni Raphael na nakaupo na sa isang magandang pulang upuan.

Lumapit ako at naupo sa kanyang harap. Inilabas ko ang aking mga notebook at libro sa aking bag at inilapag sa mahogany table. "Alin ba ang hindi mo naintindihan?"

"Iyong sa structural theory. Ang gulo kasi naman ni ma'am magturo."

"Be specific naman. Ang lawak kaya ng structural theory."

"Iyong sa lever principle ni Archimedes hanggang sa syntheses in statics."

Naglabas ako ng scrap paper at nag-try magdiscuss." Okay, ganito kasi iyon. Makinig ka ng mabuti."

"Okay. Makikinig ako."

"Kailangan memorize mo yung tatlong axioms ng kanyang principle-"

Biglang may nag-ring na phone. Ang cellphone niya. Si Zaira ang tumawag at agad naman itong sinagot ni Raphael.

"Babe!"sabi ni Raphael na tuwang-tuwa.

"Busy ka ba tonight? Nagyaya kasi sina Brian na mag-clubbing tayo sa Alchemy. Wala akong kasama."tugon naman ni Zaira sa phone.

Nakaloudspeaker kaya dinig na dinig ko ang kanilang usapan.

"Sorry babe. Kailangan kong magreview eh. Lalo pa at papalapit na ang long quiz namin, kaya kailangan ko magseryoso muna. Alam mo naman sina mommy at daddy."

"Ah, ganoon ba?"

"Oo eh. Magpasama ka na lang kina Candy. Tutal, girlfriend naman iyon ni Kent at best friend mo pa.After all, you can handle naman yourself di ba?"

"Okay, sige. I'll call you later ha? baka kasi ma-istorbo kita sa pagrereview mo. I love you, babe."

Napatigil sa pag-ngiti sa Raphael. Bigla siyang natahimik. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ni Zaira o hindi niya lang alam ang sasabihin. Napatingin siya sa hawak kong ballpen. Siguro, miss niya lang si Zaira kaya napapa-daydream siya. Sabi ko sa aking sarili.

"Babe?"Sabi ni Zaira na may pag-aalinlangan.

"Uh, I love you too. Ingat ka babe ha. Wag masyado magpa-late umuwi. I'll call na lang yung tropa para bantayan ka."tugon naman ni Raphael.

"Ok, sige. Bye."

"Bye."sabi ni Raphael na pinatay agad ang phone.

Tumahimik na lang ako at binasa muli ang aking notes. Hinintay ko na may ibabanat nanaman sa akin si Raphael at nagkatotoo nga.

"Nasaan na nga ba tayo?"sabi ni Raphael na hinila ang aking libro.

"Sa axioms ni Archimedes. Malalaman mo lang na nasa state of equilibrium yung lever kapag-"bigla nanaman akong nahinto dahil pag-angat ko ng aking ulo, nakita ko siyang naglalaro sa kanyang iPad. 

"Just continue."

Hinugot ko ang kanyang iPad at inilagay sa mesa na nakalagay malapit sa book shelves."Kung magbabastusan din lang tayo dito, dapat sinabi mo ng maaga at ng nakauwi ako agad. Dahil marami pa akong dapat asikasuhin. Nagsasayang lang ako ng oras, laway at pagod ko dito eh. At higit pa sa lahat, sayang yung knowledge na ipinagkakaloob ko sa iyo. Kaya ka rin bumabagsak dahil hindi ka marunong magbalanse ng oras mo. At ang taas kasi ng pride mo eh. Halos lampas na sa laki ng floor na ito.Ikaw na nga nag nagsabi mismo sa akin na 'time is money' kanina. Asan na iyong 'words of wisdom' mo na iyon? Kung puro asa ka lang sa yaman ninyo, hindi ka makaka-survive sa labas ng compound ninyo."

WANTED: BoyfriendWhere stories live. Discover now