Room 235
Nandito nanaman siya, maganda pa din, mabango, tila kinakausap yung keychain niya. Mas gusto niya yun kausap kaysa sakin.
"Hi." Unang subok ko para sa araw na 'to. Katulad ng inaasahan ko, snob pa din. Pero parang iba tong araw na to. Bakit kaya siya umiiyak?
"Ang daya mo, sabi mo hindi mo na ko iiwan. Sinungaling!" Sigaw niya dun sa keychain niya. Kaya lang hindi sumagot yung maliit na manika.
Naglabas siya ng notebook. Pumilas ng papel, sinulatan tapos tumayo at umalis na agad. Iniwan niya yung papel dun sa upuan. Wala na naman akong nagawa kundi tingnan siya habang papalayo. Ayoko sana makialam pero di ko napigilan sarili ko. Binuksan ko yung iniwan niyang papel tapos binasa yung nakasulat.
* . * . *
Dox,
Salamat sa isang araw na pinagsamahan natin. Sobrang saya ko nun, hinding hindi ko yun makakalimutan.
Pero ang daya mo, sabi mo hindi mo na ko iiwan, pero anong ginawa mo sakin. Wala pang 3 minutes binali mo kagad yung promise mo. Sobrang sakit Dox!
Pero wala na kong magagawa, hindi ka na babalik. Sa mga oras na to, ganap na angel ka na siguro. Sana color pink ka, para ramdam ko talaga na ikaw tong keychain na binigay mo sakin. I'll name him Dox starting today.
Hindi ko alam kung pano mo mababasa o malalaman to. Pero iiwan ko tong sulat sa room 235. Oo Dox, hindi kita inindian. Araw araw ako nagpupunta dito, pero di na ko babalik ulit. Pero wag ka magalala, hinding hindi kita makakalimutan.
Maybe in time, my mind will forget. But not by my heart Dox, you'll always be here.
Loving you always,
Mio <3 Dox
* . * . *
I was dead all this time?
~ . ~ . ~ . ~ . ~ . ~ . ~ . ~ . ~ . ~ . ~
Maraming maraming salamat po sa pagbabasa. I hope you had a short but enjoyable read. Kung nagustuhan niyo, wag po ikalimutan ipagkalat o ikwento sa kakilala. I would appreciate it very much.
Comment din po pala kayo, kahit anong gusto niyong sabihin. Baka sakali lang naman na meron nga talaga kayong gustong sabihin, o kaya baka gusto niyo pa ulit mameet si Dox saka si Mio. Haha. Till next time.
Gray V.
YOU ARE READING
Not by my Heart
RomanceIs there really karma? Or is the Third Law of Motion of Newton (In every action, there is an equal and opposite reaction.) true enough? Is the good enough for the consequences? Find out the answers in a short but enjoyable read that will let you fee...
