Chapter 24: Captured

Start from the beginning
                                    

"A-ahmm, kaming mga k-kwago, p-pwedeng pumunta dito" sabi nya. Hinawakan ko sya ng mahigpit.

"Magsabi ka ng totoo" sabi ko sakanya.

"Anong ginagawa mo sa hayop Xyrille?" Tanong ni Aphrodite.

Tinapat ko ang light ball sa kanya.

"Magsasabi ka ng totoo o papatayin kita?" Madiin kong sabi sakanya.

"Oo na oo na" suko nya. Bumalik naman sya sa totoong kulay nya.

"Teka, ikaw ang alaga ng mga Yuma hindi ba?" Tanong ni Apo Mandani.

"Oo" sagot nya sakin. Tumango naman ako.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.

"Pinapamasid ako sainyo ng amo ko. Pasensya na dahil sa pagpapanggap. Pero wag mokong patayin" sabi nya.

"Sge, hindi kita papatayin" sabi ko at winala ang light ball sa kamay. Pero, kinulong ko sya sa isang bubble. Invisible ito at nakatali yung string ng bubble saakin.

Sinubukan nyang lumipad pero hindi sya makalipad.

"You're smart" sabi nya.

Di na kami nagusap dahil andito na kami sa dulo at may dalawang daan.

"Sige, magsilakad na tayo. Xy? Alam mo na ang gagawin mo. Kung kailangan mo ng tulong, just call us" sabi ni Zues.

Tumango naman ako bilang sagot. Nagchange directions na kami nila Athena.

"Sigurado akong papatayin ako ng amo ko dahil hindi pa ako nakakabalik doon" rinig kong bulong nitong kwago.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko.

"Black ang pangalan ko. Ikaw?" Sabi nya.

"Huh, di mo ako kilala?" Tanong ko sakanya.

"Hindi, dapat ba? Sino ka ba?" sabi nya.

"Its for me to know and for you to find out" sabi ko sakanya sabay ngisi.

"You're scary" sabi nya.

"Malapit na tayo sa tribo namin" sabi ni Apo Mandani.

7:30 na pala? 1 hr and 30 mins kaming naglalakad? Di ko napansin.

Di malayuan, nakikita ko ang mga bahay bahay at mga ilaw. Konting tao nalang ang nasa labas. Mostly babae dahil nagliligpit sila. Ang mga lalaki, nagpupulot ng kalat.

Sabi ni Apo Mandani, tuwing 5 hanggang 6, nagsasaya sila sa labas. At 7:30 naman ang curfew nila. Pero nakakapagtaka dahil kung 7:30 ang curfew nila, bakit 8 umaatake ang mga kalaban?

"Magtago na tayo sa mga likuran ng puno" sabi ko sakanila kaya nagsitago kami.

Lumabas naman si Apo Mandani.

"Mga katribo, hayaan niyo na muna ang mga kalat at kayo ay magsipasok na sainyong mga bahay" sabi ni Apo Mandani at nasunod naman ang mga iyon.

After 30 mins, bigla kaming nakarinig ng mga yabag papunta sa mga nakakalat. So alam ko na, dahil mas marami ang mga lalaki, madaling maubos ang kalat sa paligid. At dahil nagliligpit ang mga babae, sila ang naiiwan. Kaya pala madali silang mapatay ng mga ito.

"Bakit walang tao rito?" Rinig kong sabi nung isa.

"Di kaya alam nila na susugod tayo rito?" Tanong naman nung isa.

Napunta naman ang isa dito sa harapan ng puno na tinataguan namin ni Athena.

Nagsummon ako ng bow and arrow. Tinapat ko ito sa bandang puso nya kahit nakatalikod sya. Matalim ito at malapit sya, sigurado akong tatagos ito mula sa puso nya.

Binitawan ko toh at tumagos nga. Nagulat ang mga kasama nya sa pagbagsak nito.

"Sino ang gumawa nito?" Tanong nung isa.

Si Black naman, tinali ko sa puno.

"Marami sila. Mga 10 sila" sabi ni Athena. Sya ang taga silip namin. Galing sya sa taas ng puno.

Lumapit naman ang dalawa. Kumuha ng tiyempo sila Apo Mandani na nasa kabilang puno at hinagis ang kutsilyo na hawak nila. Sapul naman sa dibdib ang mga ito. Nagsilabasan naman ang mga kasama nila kaya nagsilabasan din kami.

Nakamask kami para di nila kami makilala. Kami lang ni Athena.

Naglaban laban kami. 3 ang kalaban ko at 3 din ang kalaban ni Athena. Sila Apo Mandani, tig iisa.

Pinupugutan ko lang sila ng ulo. Ang babagal nila. Ganto lang pala sila kahina. Akala ko malalakas sila.

"Prinsesa!" Sigaw ni Apo Mandani kaya napatingin ako sakanilang tatlo.

...

Hi readers! Do not forget to vote and comment! Lovelotz💙💙💙

Updated today, June 10, 2021.

Small changes, fixed all grammatical errors.

Charendalle Academy 2: The Destined Of The ProphecyWhere stories live. Discover now