That Little Drops of Rain

5 2 0
                                        

Umuulan na naman…. Mabuti na lang pala at palagi akong nadala ng payong. Ang hassle pa kasi may dala din akong mga gamit. Nandito kasi ako sa mall para bumili ng mga materials sa project naming. College life nga naman.

Nga pala, ako si Victoria Santos. Isang 2nd year college student at kasalukuyang hinahanap ang payong sa aking bag. Kainis naman kasi hawak ko ang mga binili ko sa kanang kamay ko tapos ginagamit kong panghanap sa payong sa bag ko ang kaliwa.

“Miss, tulungan na kita.” Nabigla naman ako kay kuya…. Omo… Wafu. Hehehe

“Ah.. miss?” Nabalik naman ako sa katinuan. Ngiti na lang ang tugon ko sa kaniya at binigay ko yung mga binili ko. Mukha namang harmless si kuya. Gentleman pa hihihi.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkalkal ko sa bag ko. San ba yung payong ko?
Ah!! Yun! Binuksan ko na yung payong ko at pagkatapos nilingon ko naman si kuya. O.O Nakatingin pala siya sakin.

“Ah salamat.” Sabi ko habang kinukuha ko yung mga binili ko sa kaniya.

“You’re welcome.” Sagot niya sabay akmang tatakbo na. Hinawakan ko vnaman ang braso niya. Plano niya bang takbuhin to ng umuulan?
Napalingon naman siya sakin ng nagtataka.

“Sabay ka na sakin?” Patanong na alok ko. Tutal tinulungan niya naman ako diba?

“Ah. Si-sige.” Nahihiya niyang sagot sabay kamot sa batok. Hehe cute.
Itinaas ko na yung payong ko kasi naman ang tangkad ni kuya, kahit ata mag heels ako, mas matangkad pa rin siya sakin. Nabigla naman ako sa ginawa niya. Kinuha niya kasi sakin ang payong. Nahawakan niya pa ang kamay ko.

“Sa may pasan ka?” Tanong ko sa kaniya nung nagsimula na kaming maglakad.

“Sa may ****** subdivision.”

“Ah medyo malayo pa yun ah. Sa may unahan pa nung samin.” Pero iisa pa rin kami ng sasakayan na tricycle.
Katahimikan…. ANg awkward hehe
Pero para kaming nasa kdrama. Hehe ako yung bidang babae. Napatingin ako sa kaniya at napansin ko na basing-basa na yung kanang balikat niya. Nasa may bandang kaliwa niya kasi ako. Ako tuloy yung tuyung-tuyo. Umusog ako ng konti para mapayungan naman yung kalahati niya. Nagulat pa nga ata siya.

“Basang-basa na kasi yung kanang kamay mo.” Sabi ko para di masyadong awkward.

“Ahh.” Sagot niya na lang.
Pumara na siya ng tricycle tapos pinauna na akong pasakayin.

“A-ano nga pala ang pangalan mo?” Nag-aalangang tanong niya.

“Victoria. Ikaw?” Nakangiti kong sagot.

“Nick. Ako si Nick.”

“Nice to meet you, Nick.”

Pagkatapos nun ay isang mahabang katahimikan na ulit. Tanging ang tunog lang ng makina ng tricycle at buhos ng ulan ang maririnig mo. Malapit nap ala kami samin.

“Malapit ba sa kalsada nag bahay niyo?” Tanong ko kay Nick.

“Hinde. Lalakarin pa mula kanto hanggang samin.”

“Ah.” Tanging nasagot ko sa kaniya. Buti na lang at malapit lang sa kalsada ang bahay namin.

“Manong sa tabi na lang po.” Sabi ko kay manong at binigay ang bayad ko pero hinawakan ni Nick ang kamay ko.

“Ako na.” Sabi niya at nagbayad na kay manong.

“Salamat. Sige sayo na yang payong tutal diyan lang naman ang bahay namin. Bbye.” Paalam ko sa kaniya at tumakbo na ako pauwi samin. Di ko na nga siya nalingon nung tinawag niya ako.

***2 weeks later***

Haistt… Umuulan na naman! Kainis! Kung kailan nakalimutan ko ang payong ko sa bahay. Maaraw naman kasi kanina. Kaya eto ako nag hihintay ng tricycle sa harap ng gate sa school. Di naman ako makasabay sa mga kaibigan ko kasi wala din silang payong at katulad ko, naghihintay din sila ditto.

“Aish! Ba’t ba kasi naulan pa?” Reklamo ni Luna, isa sa mga kaibigan ko.

“Takbuhin na lang kaya natin?” Alok ni Amber. Mabuti pa nga. Mukhang matagal-tagal pa bago tumila tong ulan.

“Sige, pakabilang kong tatlo, tatakbo na tayo,” Sabi ko naman sa kanila.
Para naman kaming gagawa ng music video nito haha.

“Isa…” Panimula ko at naghanda na kami para tumakbo.

“Dalawa…”

“Tat—“ Biglang may humigit sa kamay ko dahilan para hindi ko matapos ang pagbilang ko. Pati nga rin sina Luna, napatigil.

Tiningnan ko kung sino ang hanggang ngayon ay may hawak pa rin sa kamay ko.

O.O

“Nick?” Takang tanong ko kasi naman ditto pala siya pumapasok. Nakauniform kasi.

“Plano mo bang takbuhin yan?” Nakakunot ang noo niya nung tinanong niya ako.

“Ah oo. Nakalimutan ko kasi nag payong ko sa bahay eh.” Pagdadahilan ko.

“Tsk.” Binitawan niya naman ako at may kinuha siya sa bag niya…. Yung payong ko na basically, binigay ko na sa kaniya.

Binuksan niya ito at bigla-bigla ay inakbayan ako. Nagulat pa nag ako eh. Kahit sina Amber, nagulat din.

“Una na kami.” Paalam niya dun sa dalawa na hanggang ngayon ay nakanganga pa din. At hinigit niya na nga ako kasabay niya.

Awkward…

Ano bang dapat kong sabihin?

“Sakay na.” Nakapara nap ala siya? AKo naman iong si masunurin, sumakay din.

Pagkasakay niya, umandar na ang tricycle.

“Ah salamat nga pala.” Sabi ko sa kaniya para mawala ang katahimikan.

“Ayos lang.” Sagot niya ng hindi nakatingin sakin.

“Parehas pala tayo ng school na pinapasukan? Pero ba’t di kita nakikita?”

“Ako..nakikita kita palagi.”

“Huh?”

“Magkaparehas lang tayo ng department.”

“Ay ganun?’

“Di mo ko napapansin kasi palagi kang nakayuko kapag naglalakd. May suot ka pang earphones na puti.”
Ei? Alam niya?

“Pano mo nalaman?”

“Palagi kasi kitang napapansin pag dumadaan ka sa may blue bench. Pero, di mo pinapansin ang mga nasa paligid mo.”

“Ah ganun ba? Sorry haha. Ganun lang talaga ako. Teka, palagi mo kong napapansin?”

Tumingin siya sakin na siyang kinagulat ko. Mata sa mata saki kami bago siya magsalita.

“Oo, palagi kitang nakikitang dumadaan sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit pero araw-araw na akong nag-aabang sa may blue bench para makita ka lang na dumaan. Nagulat ako nung isang beses, tinawag ka ng kaibigan ko….na kaibigan mo din pala. Nung tanungin naman ko naman siya ng tungkol sayo, ayaw niya akong sagutin. Nagmumukha na nga akong stalker eh. Pero.. Isang araw nakita kita sa mall, nahihirapan kang kunin ang payong mo. Nahihiya pa nga akong lumapit sayo eh. Pero, naglakas-loob na ako. Kasi alam kong iyon na ang hinihingi kong chance kay Lord. Akala ko, 2 weeks ago na ang huli nating pag-uusap. Pero… eto, kausap kita.” Kwento niya ng dire-diretso.

Wait.. Processing… So matagal niya na akong kilala? Omo… Di ko alam kung pano magre-react.

“Ayo slang kung sa susunod na magkita tayo, di mon a ko kausapin. BAsta ang sakin lang, sinabi ko na ang nararamdaman ko.” Mahina niyang sambit.

K.A.T.A.H.I.M.I.K.A.N

Di ko talaga alam kunga no ang ire-react. Alam ko naman na hindi siya masamang tao.

“Manong, sa tabi na lang po.” Ang tanging nasambit ko lang. Lumabas na ako ng trike pero bago pa man umandar yon…

“Sa susunod kahit di naulan ,mag-usap ulit tayo. Gusto pa kitang lubos na makilala.” At patakbo na akong umalis habang may ngiti sa labi.

At simula non, sabay na kami palaging nauwi. Hanggang sa niligawan niya ako at nagging kami na. At kahit di naulan, magkasama pa rin kaming dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Little Drops of RainStories to obsess over. Discover now