Prologue

4 0 0
                                    

    "Saan mo sya dinala?"halos nanlulumong sambit ko.Pagod na pagod na ako,konti na lang ay alam kong bibigay na ang katawan ko.

   "Akala mo ganoon lang iyon kadali?"sambit ng babaeng nakaitim."Ano sa tingin mo? Tinago ko siya tapos pag nagtanong ka ibibigay ko sa'yo?"dagdag pa niya.Ni hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot nito.,Ngayon ko lang siya nakita at hindi ko alam kung anong atraso ko sa kanya.O atraso namin sa kanya.

   "A-ano bang g-inawa k-o sayo-o"nanghihinang sabi ko.

   "Hindi mo alam?Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alam?!"galit siya,hindi ko maintindihan ang ikinagagalit niya.

   Lumapit siya sa akin at hinatak ang buhok ko."A-ah!"daing ko sa sakit na aking naramdaman.

   "Kung hindi mo maalala,ipapaalala ko sa'yo.Lahat!Lahat-lahat!.Hanggang sa di mo kayanin at kamuhian mo an sarili mo!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumisi siya.

   Binitawan niya ako.At may sinabing hindi ko maintindihan,sabay kumpas ng kamay niya.

   Kasabay ng pagkumpas ng kanyang kamay ay ang aking pagkahilo.Unti-unti akong bumagsak sa lupa.Nanlabo na rin ang aking paningin.

     "Pagsisisihan mong nagtanong ka pa!Hinding hindi ko kayo titigilan hanggang kamatayan.Paalam sa ngayon Rosiya..."iyan ang mga salitang binanggit nya bago  ako tuluyang  mawalan ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till DeathWhere stories live. Discover now