Ely's Pov
Halos ilang oras na kaming nasa byahe ng mga kaibigan ko pero hindi parin kami nakakapunta sa lugar na papatungohan namin.Balak kasi namin mag Bakasyon sa isa sa mga resort nina Bryle.
Nasa gitna kami ng makahoy at masukal na gubat na ito na kahit sinag manlang ng araw ay hindi mo makikitaan dahil sa mga matatayog at malalagong puno dito.Wala din akong makitang sementadong daan,bagkos ay maputik at lubak lubak na daan ang aming dinadaraanan,kahit ni isang bahay manlang ay wala akong masilayan.Wala ding signal sa paligid.First time ko ang makapunta sa ganitong lugar di ata uso dito ang mall.my ghad ely seryoso sa gubat may Mall stupida.
Malayo na kami sa City dahil seryoso talaga puro puno at lubak lubak na daan na ito...
Tama pa batong tinatahak namin na daan?
"Guys naliligaw na ata tayo"__Pagbabasag ni Calix sa katahimikan na kanina pa na mamayapa
"Parang tama ka nga.Lumiko ata tayo sa maling daan!mabuti pa ay huminto muna tayo ! Bryle!itigil mo ang van sa tabi."__Utos ni Karl kay Bryle na agad naman sinunod nito.Agad kaming tumigil sa may tabi at nagsimulang magpalinga linga sa palagid.
"Guys!Parang nasa gitna na tayo ng gubat ah!"__Sambit ni Kim habang nagpalinga linga ito sa paligid.
si Karl at Kim ay mag kapatid sa Ama.Close naman sila kahit ganon pero di maalis ang bangayan sa kanilang dalawa.
"Mabuti pa maghanap tayo ng matatanungan.Wag na tayong magpatuloy pa'h baka maubasan pa tayo ng gas..mas mabuti kung may makukuha tayong info...bago bumyahe ulit."__Saad naman ni Jason
At nagsimula na nga kaming maglakad at dahil nga sa hindi namin kabisado ang lugar nag lagay kami ng mga palatandaan sa bawat puno kung sa kaling maligaw ang isa sa amin.
"Walang lalayo.Wag din kayong sisigaw o mag-ingay!Di natin alam kung anong nandito."__Pagpapa-ala ni Jason sa amin.
Napatango naman kaming lahat.
Si Jason,Bryle at Calix ang nagunguna sa paglalakad sunod naman si Jiro na kanina pa nagbabasa,hindi alintana ang kalagayan namin.Sumonod kay Jiro sila Thea,Klair at ako.Nasa likuran naman ang mag kapatid.
Habang naglalakad kami ay may nakita kaming napakalaki at napaka taas na pader.Napatingala naman kami sa taas nito.Malumot at may pagka maputik na din ang pader,medyo maiitim nadin ang ilang parte nito.
Lumapit si Jason sa pader at akmang hahawakan ito,pero bago pa man lumapat ang palad niya sa pader ay may biglang lumitaw na matandang lalaki sa kung saan.
Halos mapa talon kami sa takot ng makita namin siya.May mahaba ang ma puti nitong buhok at ganon rin ang balbas nito.Napansin ko rin ang mga mahahabang koko nito .
"H-hi po"__Nag aalangang bati namin sa matanda at yumoko.
"Sino kayo at ano ang ginagawa ninyo rito?"__Tanong nito sa amin at bigla nalang ngumisi.Isang nakakakilabot na ngisi.
Bigla akong nakaramdan ng takot.
"Ahh...kasi po nawawala po kami."__Magalang na sagot ni Klair at ngumiti.
"Ganon ba"__Sambit ng matanda at tumango tango nalang kami.
"Pwede po bang maki gamit ng CR?"__Tanong naman ni Thea na halatang na iihi na.
"Gusto ninyong pumasok sa loob?"__Tanong ng matanda.
Nagugulahan man kami sa tanong ng matanda ay agad nalang kaming tumango dahil nga sa Ihing ihi na si Thea at naliligaw narin kami.
"Kung ganon, sumonod kayo."__Ani ng matanda at nagsimulang maglakad .
"Ano?Susunod ba tayo?"__Pabulong na sabi ko at bumaling sa kanila.
YOU ARE READING
DIABLO Academy (On Going)
RandomIsang paaralan kung saan iilan lamang ang nakaka-alam.A school full of secrets and untold story.A school where the rules are just simple'killed or be killed'simple right?In this school your free to do everything what you want .You can kill,you can r...
