01

1K 25 2
                                    

15. A hydrogen- filled was ignited and 1.50 g of hydrogen reacted with 12.0 g of oxygen. How many grams of water vapor formed assuming the system is sealed and water vapor is the only product of the reaction.

a. 1.50 g

b. 12.0 g

c. 10.5 g

d. 13.5 g

e. cannot be determined

sa lahat talaga ng subject, chem talaga pinaka mahirap. Multiple choices na yan ha pero nahihirapan parin ako.

"Okay class, last 20 minutes." Nataranta ako sa narinig ko at binilisan ang pag sagot. Bahala na si batman kung babagsak ako, tanggap ko naman eh.

"Psst!" Napalingon ako sa katabi ko at nakita kong pinapakita niya sakin yung papel niya. Tinignan ko naman siya ng thank-you-so-much-hulog-ka-ng-langit look at kinopya yung mga sagot niya. Desperada na ako, at binabawi ko na yung sinabi ko na tanggap ko na kung babagsak ako.

Pag tapos ko kopyahin yung mga sagot niya nag unat ako at tumayo na yung teacher namin at pinapasa na yung mga papel.

"Nakita ko kanina nagpapanic kana eh." Natatawang sabi niya habang inaayos niya yung gamit niya.

"Oo nga eh, saka 15 palang ako sa nung sinabi niya na 20 minutes nalang. 'Dibale sana kung ang konti niya magpa-exam saka madali lang yung subject niya." Reklamo ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hindi ka lang kasi nagreview kaya nahirapan ka. Saka especially ayaw mo lang sa subject niya."

"Tsk, matalino ka kasi kaya hindi ka makarelate sakin." Natawa lang siya sakin at ginulo yung buhok ko.

"Keita! Tara na!"

"Oh tinatawag kana ng mga kaibigan mo. Pumunta kana doon." Tapos kinuha ko na yung mga gamit ko at nilagay sa bag ko.

"Ikaw? Hindi kapa ba susunduin ng mga kaibigan mo? I heard na birthday ng isa mong kaibigan, si Summer?"

"Yeah, doon kami matutulog sakanila mamaya." Sagot ko tapos suot ng backpack ko.

"Pasabi happy birthday, una na ako. Ingat ka mamaya pag-uwi mo." Nakangiting sabi niya tapos umalis na.

Napaka caring. Pero wala namang malisya. May mga bagay kasi na hindi dapat lagyan ng malisya kasi nakaugalian lang nila maging mabait.

"Cheyenne! Ano? Tunganga ka teh?" Nabalik ako sa katinuan ng biglang dumating yung kaibigan kong si Amber.

"Iniisip ko lang kung tama ba yung kinopya ko kay Keita." Sabi ko at nauna ng lumabas ng room.

"Wow ngayon kapa nag doubt sa sagot ng crush mo." Napatingin agad ako sa sinabi niya at pinandilatan siya.

"Ay joke, sa BESTFRIEND mo nga pala. Sorry my bad hehe."

"Pasmado yang bibig mo ha." Asar na sabi ko pero natawa lang siya.

"Hoy 5 ha, kailangan nandoon na tayo kina Summer. Kakauwi lang din niya galing Japan."

"Lakas ng loob non umabsent kahit may exam eh 'noh?"

"Eh lolo naman niya may ari ng school kaya okay lang. Gusto mo pagawa ka rin ng school tapos kahit wag kana pumasok." Asar nanaman niya.

"Kanina kapa eh, napipikon na ako sayo."

Natawa lang siya at habang naglalakad kami palabas ng school, biglang napahinto si Amber at humawak sa braso ko.

"Haruto si Cheyenne nga pala." Nanlaki ang mata ko ng bigla ako ipakilala ni Amber sa lalaking hindi ko naman kilala.

"HOY AMBER!" Sigaw ko. Tapos yung lalaki walang expression yung mukha niya t nakatingin lang saming dalawa.

"Hi." Sagot nung lalaki at umalis na rin agad. Ni wala namang ngiti o kahit ano basta expressionless lang talaga.

"Ang gwapo niya 'noh?" Kinikilig na sabi niya.

"Hindi naman. Ikaw talaga ang panget ng mga taste mo." Reklamo ko at nauna ng maglakad sakanya.

"Wow ha! Ganda ka?"

"Oo, ngayon mo lang nanotice?" Sabay hawi ko ng buhok ko.

"Hindi. Wala namang kanotice notice sayo eh."

"Aba!"

"Sa totoo lang tayo." Natatawang sabi at tumakbo ng mabilis palabas ng school alam na niya kasi kung ano ang susunod na gagawin ko sakanya.

~

Nasa bahay na kami nila Summer at kumakain ng dinner.

"Alam mo ba, nakasalubong namin si Haruto kanina at pinakilala ko si Cheyenne tapos nag Hi si Haruto." Kwento ni Amber kay Summer habang kumakain kami.

"Really??? Oh my god! You're so lucky Cheyenne!" Masayang sabi ni Summer.

"Kayo lang masaya na nanotice ako non. Eh hindi ko nga kilala yun eh." Sagot ko tapos inom ng juice.

"Paano si Keita lang kasi ang kilala." Sambit ni Amber sabay roll eyes.

"Agree!" Singit ni Summer.

"Well, bakit paba ako mageexplore ng ibang lalaki kung kaclose ko na yung gusto ko at bestfriend ko pa? Right?"

Si Keita lang ang gusto ko. Simula nung elementary palang ako siya na yung gusto ko. Ewan ko feel ko kasi compatible kami. Saka siya yung una kong naging kaibigan bago ko nakilalang 'tong dalawang makulit na kasama ko ngayon.

"Yun nga eh BESTFRIEND mo nga eh. Bakit? Kaya mo bang isugal yung friendship niyo Keita? Hindi mo masasabi na magiging kayo or magiging kayo nga pero mababalik niyo paba yung friendship nabuo niyo since elementary. Yeah, mababalik mo nga pero nandoon parin yung awkward atmosphere." Diretsong sabi ni Summer tapos nag apir silang dalawa ni Amber.

"Point taken. Kaya dapat advance kang mag-isip Cheyenne. Diba?" Sang-ayon ni Amber.

"Ginugulo niyo lang yung utak ko. Argh! Bahala na kayo dyan, una na ako sa taas." Umalis na ako sa harap nila at umakyat sa taas.

Dahil sa mga sinabi nila Summer at Amber napaisip ako kung ganun nga yung mangyari, kung magiging kami ni Keita malaki yung possibility na sa mawawala yung friendship namin kapag nagbreak kami. At kung malalaman ni Keita na gusto ko siya baka iwasan niya ako.

Pero hindi ko naman naisip na magiging kami na. Nandoon parin kasi ako sa point na kung kami, kami talaga. Saka mga bata pa kami marami pa kami makakasama at makikilala at marami pa kaming marerealize kapag matanda na kami.

"Uy~ nag-iisip siya oh. Ano ha? Gugustuhin mo paba si Keita ha?" Natatawang sabi ni Amber. Binato ko naman siya ng unan at kinuha yung remote at nanood. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Summer.

"Guys! Truth or Dare tayo!" Bungad ni Summer pag dating niya.

"Akala ko ba movie marathon?" Tanong ko.

"Tsk, movie marathon while playing truth or dare duuuh! Para may thrill diba?" Singit ni Amber. Itong babaeng 'to kanina pa 'to pa sakin eh. Malapit ko na hambalusin 'to.

"Yeah. Tara." Tapos umupo na si Summer sa sahig sa baba ng sofa kung saan dapat kami nakapwesto.

"Mukhang masaya 'to hehehe." Nakangiting sabi ni Amber.

"Nakakatakot yang hehehe mo ha." Tapos palo sakanya ng unan na hawak ko.

"Hindi naman eh, cute kaya." Dagdag niya tapos mas ngumiti pa ng loko.

"Oh game na." Nag umpisa ng paikutin ni Summer yung bote.

~


DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя