"Ano ba'ng nangyari?" tanong ko.

Ilang sandali nagtagal ang titig niya sakin bago biglang tumili. Nagtakip agad ako ng tenga dahil sa tinis ng tili niya. Mas pang babae pa ata ang tili niya sa akin e. Ilang segundo rin ang tili niya bago tumigil.

Agad kong tinampal ang braso niya. Sa lakas nun paniguradong may nakarinig sa labas.

"Ano ba?"

May sasabihin sana siya pedl hindi natuloy nang iilang mga kaklase ko ang biglang dumungaw sa pintuan.

"Sino yung tumili?"

"Dito ba yun?

"May nangyari ba?"

Magkakasunod na tanong nila. Nagkatinginam pa kami ni Evan. Ayan kasi! Sabi nang may makakarinig sa kanya 'e.

"Ah! Si Jessica yun. Alam nyo na pag may diarrhea diba tapos masakit yung puson," ani Evan at agad na hinagod ang likod ko.

Agad na umikot ang mata ko sa explanation niya.

"Sabi kasi sayo wag kang sumigaw 'e." si Evan at nilingon ako.

"Gusto mo ng buscopan, Jessica?" tanong ng isang kaklase.

Ngumiti ako. "Hindi na. Salamat," sabi ko.

Buti na lang at nag labasan na sila. Hay nakakainis talaga 'tong si Evan. Pag talaga ito nahuli baka ako pa magpasimuno sa pag tawa.

Nang wala na sila ay agad kong hinawi ang kamay ni Evan na nasa likod ko.

"Bakit ka ba kasi tumili?" mariin kong bulong.

Medyo lumapit din siya sa akin bago nagsalita.

"Nakakainis kasi iyang Mica na iyan naku!" lukot na lukot ang mukha niya nag sambitin iyon. Pareho pang nakakuyom ang mga kamay na tingin ko naiimagine niyang sinasabunutan niya si Mica.

"Ano nga kasi yung nangyari?"

"Nauna akong na pink ang kulay sa partylist ko tapos sasabihin niyang nauna siya? Ang sabihin niya natatakot siyang mananalo ako kaya lahat ng gawin ko ginagaya niya!"

Kung di ko agad naisara ang pagkakalaglag ng panga ko sa rason niya ay baka napasukan na ng langaw. My God! Ano nga bang aasahan ko. Hay nako.

Inabala ko ang sarili ko sa pag tulong kay Evan sa mga nag daang araw. Umaga pa lang sinusundo na niya ako. Nag aayos kami ng mga t-shirts. Gusto niya kasi printed pa. Tapos ilang mga tarpaulin at flyers din ang inasikaso namin. Three days from now ay election na. Meeting de avance na sa isang araw kaya talagang nakakapagod din.

Mabuti na rin na maaga akong umaalis at gabi na rin kung umuwi. Pansin ko kasing nadadalas si Xander sa bahay. Naroon na siya bago ako umalis sa umaga. Naroon parin siya pag uwi ko sa gabi. Idinadahilan ko na lang ang pagod para hindi na ako mag tagal kaharap sila. Para hindi siya makaharap.

Baka kasi may masabi na naman siyang hindi ko ikagagalak kung magharap kami ulit. Tama na yung halos gabi-gabing hindi ako matahimik dahil siya lang ang iniisip ko.

Yesterday's meeting the avance went smooth. Some of Evan's college friends wento to watch him as he delivers his speech. Malakas rin ang chance na si Evan ang mananalo. Ngayon na ang election. Tapos na akong bumoto at si Evam na lamang ang hinihintay ko na lumahas sa designated room para bumoto.

Sa apat na partylist halos ang kay Evan at Mica ang magkadikit. No one thought it would be this serious lalo't student counsil lang naman. Siguro naaamoy na rin ni Mica ang totoong kasarian ni Evan kaya kung labanan niya ay ganon na lang.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now