Assuming Trisha (One Shot)

720 19 23
                                        

~~ Assuming Trisha (One Shot)

Credits: To the photo cover owner.

Hindi naman masama ang mag assume e.

Kaso wag yung sobra.

---"Miss, baliktad yung T-shirt mo"

~

Tatlong taon na mula nung umalis ako sa bayan namin,pumunta kina tita sa Manila. At doon nag-aral for almost 3 years, doon ako nag2nd year hanggang fourth year. Hindi naman sana talaga ako sa Manila mag-aaral e. Kaso dahil sa nangyari sa plaza 3 years ago ayun napilitan sina mama na payagan ako.

*flashback

Excited ako ngayon, bakit? May disco kase samin sa may plaza taz pinayagan ako ni Papa. Hehe minsan lang kase yun pumayag e. Kaya ang bilis kong magbihis kase baka magbago isip ni Papa takte lang pagnagkataon. Naka black T-shirt ako saka naka jeans lang, simpleng ayos kung baga. Hehe baka umangal pa si Papa edi di ako makakapunta pagnagkataon. Yoko nuh. Excited nga ako diba? Taz baka pumunta dun si Ano.. Crush ko! Edi apakaswerte ko trololo.

Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sakin e di naman ako nagmake up o nagpaganda kasi maganda naku.choz! Haha Hinayaan ko nalang sila ,di naman ako matutunaw e. Baka di din ako yung tinitignan nila diba? Di naman kase ako feelingera, Assuming pwede pa! Lo OhMyGOSH ! O____O

Si s---si Crush, ang gwapo niya talaga. Tapos nakatingin pa siya sakin? Biglang nagmalatambol sa lakas yung puso ko. At bat parang tumigil sa pag-ikot yung mundo? Biglang naging steady argghhh ! Wala na yung ingay ng mga Tao, ingay ng sound system at kung ano-ano pa. Yung naririnig ko nalang ngayon ay yung tibok ng puso ko.WaAaAA! Anu ba to kinakabahan ako, feeling ko tuloy any moment by now mahihimatay ako. Not now Trishhha not now. K

Ano ba to panaginip? Nakatingin siya taz unti-unting lumalapit sa a--akin? Lord please wag mo nalang ako gisingin if ever dream man toh! Ayoko ko na pong magising plsss! Ayokona na.

(- /\ -)

TIK-- TAK-- TIK --TAK --TIK-- TAK

Yan yung ingay ng yapak niya naka tik tak din siguro siya.lol.patawa. AHMMP! Nakakainis, Bakit kaming dalawa lang ang nakikita ko? Asan yung ibang taon? Asan? Asan? Nasa ibang World na ba ako? Ibang dimensyon? Woooooo LANGYA this! Nilalamig ako, baka naman may multo dito. Taz..taz..TsshH!.. disco nga pala to at isa pa as I remember plaza to plaza hindi ito haunted house, haunted bowl or watever echettera! Arghh! Putek pa tong puso ko epal rin anlakas ng tibok Langya lang e as if nagcoconcert rin ata sila sa kalooblooban ng puso ko Grrr.. Mga feelingerang Ugat, Dugo, Atay at iba pa. Achuchu iinis naku. I mean kinikilig rin waaa apaka feeler ko ba? Assuming ba ko? Oo Assuming ka Trisha. Pero papunta talaga siya sakin. Pramiiissss tignan niyo pa siya, as if naman andito kayo.

Wooo Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale Trissshhha! Ano ka ba relax! Relax ? Panu ? Panu ako makakarelax ? e ilang hakbang nalang andito na siya sa harapan ko. Medic ! medic ! E ready niyo na! Baka kase mahimatay ako sa saya este kaba. K

An.. A--andito na siya sa harap ko. Ang gwapo niya pala sa malapitan taz alam niyo ba kung anong suot niya? T-shirt ! C.A.T T-shirt o Uniform namin e yun din keya suot ko. Waa! Parang couples T-shirt yung suot namin.. yayyy! Ako na feeler o Assuming basta! Ahihi eto na siguro yung tinatawag nilang D---E-----S----T----I----N---Y. Yaaayy! Destiny kami!! Destiny.. destiny ayeeee meant to be kami. Yiiih :""> XD

Konting-konting distansya nalang yung layo niya sakin.. bigla ako nanlamig, nanigas naging ICE na ata ako. Para akong tuod nakatayo, hindi gumagalaw. Sira na ata yung puso at teynga ko dahil tanging yapak niya, hiniga at tibok ng puso ko ang nadidinig ko habang ang Langyang puso ko naman ang ingay Arghh! grabeh na to. Kinikilig ako. Ahihi!

Assuming Trisha (One Shot)Where stories live. Discover now