Chapter 1

822 45 2
                                    

IMPORTANT: May mga terminologies po dito na binago ko (slightly) ang totoong meaning. Parang ni-manipulate ko lang for the sake of the plot of the story. So yung may mga knowledge dyan about mythical creatures, just go with the flow na lang :)


All ideas here are based from research and pure imagination. And some of the names here are also based from researches / myths / folklores / ancient plays about fairies.


Sasabihin ko na lang kung alin yung mga iyon by the end of the chapter kapag na-mention na sila. Thank you! Enjoy! :)


PPS: TAGLISH PO ITUUU


[1]


✽ ✽ ✽


Pumikit ako at pinilit na huminga ng normal.


Wala akong nakikita. Wala akong nakikita.


Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.


Wala. Walang sumasabay sa akin sa paglalakad. Wala akong naririnig na mga boses na dapat ay hindi talaga naririnig.


Normal ka, Faye Clairette Averion. Wala kang nakikita.

Normal routine ko na ito. Ang paglalakad papunta sa school na may mga nakasunod sa akin. Though wala silang kamalay-malay na alam kong sumusunod sila.


Sila. Hindi ko nga ba alam kung tamang 'sila' ang gamitin kong term. Sila or Iyon? Basta, sigurado akong hindi sila tao.


Bakit?


Slightly pointed ears. Weird outfits. Glittered dusts on where they're stepping. Yes, kahit na imposible, I'm 100% sure that they're faeries.


Pero there's this little.. I mean, HUGE problem.


Hindi sila nakikita ng iba pero nakikita ko sila. I mean, they're everywhere!


Alam kong sobrang playful ng mga faeries. At hindi ko na lang pinapansin kung may nadadaanan akong isang magkakaibigan na faes na pinagttripan ang isang tao.


Ang mas malalala dito ay yung mga iba na nagpapanggap na tao. Through the normal human eye, mapapansin mong isang normal na tao lang talaga siya, pero kung may mata ka na katulad ng akin, makikita mo ang kakaiba niyang aura.


Oo, pag nagpapanggap silang tao, hindi patusok ang mga tenga nila at walang glitter dusts sa bawat hakbang nila pero.. meron talagang kakaiba sa kanila eh.


I still can't put it into words. Parang.. they're glowing? Lalo na pag sa arawan, basta, parang ang liwa-liwanag nila at yung mga nasa paligid nila.


Pero sobrang bihira lang ng mga ganon.


Chasing Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon