Walang Pamagat na Sulatin (Oct. 18, 2000)

294 49 5
                                    

 Minsan mangyaring tayo'y mainip sa takbo ng araw

Kaya kadalasan sumasagi sa isipan na wika'y paglaruan

Paikotin sa palad, sa maruming kamay

At hayaan na lang si Juan' kung paano niya babakasin ang kahulugan

Subalit matanto niya kaya ang ating layunin

Ang bawat hikbi na nananahan sa puso

Kaisa kaya natin ang kanyang buhay

O kaisa siya ng mga bagyong sa'tiy pumapatay

 

Kahit mangyaring siya'y nasa kaliwa

Siya'y kabilang pa rin sa aming nawa

Pagkat ang tunay na manunulat ay ganito kung magwika

Nanalangin na magbago ang taong laban sa kanya

Umaasang baka minsang malaman niya

Na ang dugong umaagos sa aming sugat

Ay tulad ng sa kanyang dugo

                  .........  Na kulay pula .......

Mysterious Aries

PAANG MAKABAYANWhere stories live. Discover now