I

35 3 0
                                    

Ako lang ba? Ako lang ba yung masaya kapag magpapasukan nanaman kasi medyo strict parents mo kaya nung summer kulang nalang eh maging taong bahay ka?

Atleast pag may pasok, kasama mo na mga kaibigan mo, may allowance ka pa. Makaka lakwatsa ka pa after class!

Last year ko na to pati ng mga barkada ko sa school namin ngayon dito sa Pampanga. Grade 12 na kasi kami ngayon kaya konting push nalang graduate na kami. Nakakainis naman kasi, kung wala lang sanang K-12 na yan, second year college na sana kami ngayon.

Magkakasama kaming tatlo ngayon ni Kaye at Sophie kasi napagusapan namin na sabay maghanap ng section.

"Di na ko makapaghintay grumaduate! Jusko gusto ko na umalis sa lugar na to!" Sabi ni Kaye.

"Haynako, Kaye. Alam ko na gusto mo grumaduate na talaga. Ganun rin naman kami. Pero beh, remind ko lang uli sayo ha? Unang araw palang ng pasukan. Kalma." Sabi naman ni Sophie at tinawanan ko lang sila.

Ganyan kasi yang dalawa na yan, palaging nagkokontrahan. Nasanay na rin ako kasi simula grade 9, magbestfriend na kaming tatlo. Si Sophie naman, sobrang close din nya kay Issa at kay Anne kaya mag bestfriends din silang tatlo at okay naman yun samin ni Kaye.

Mas lalo sumaya yung araw ko nung nalaman kong classmates pala kaming tatlo! Classmates din namin si Issa, Daniel at Koby. Nahiwalay si Anne kasi matalino yun eh, kaya ayun nasa first section.

Eleven kaming lahat na magbabarkada. Si Andrea, Alliah, Krisha at Theo naman sa kabilang section.

Hindi naman awkward sa classroom namin kasi ilang taon ko na rin nakikita mga mukha ng mga kaklase ko. Pero dahil mga baguhan ang mga prof, gusto nilang magpakilala kami. Parang grade 7 lang eh no?

Nakaupo kami sa gitna nina Issa, Sophie at Kaye. Sa likod naman namin si Daniel at Koby.

"Hi, I'm Frances Issabel Madrid. 18. Issa for short."

"Hi, I'm Sophiella Bernido. 18. Please call me Sophie."

"Hello! My name is Rica Angeline Halil. 18. Rian for short." I said while smiling.

"Kayesha Fontelar. 18. Call me Kaye."

"I'm Niccolo Daniel Sy. 18. Daniel nalang po."

"I'm Koby Manuel. 18."

And the introduction goes on..

--

Since maaga ang break namin, nag decide muna kaming mag stay sa room. Habang nag aayos kami, dumating si Anne nang sobrang lungkot ang mukha kaya nagtaka kami.

"Oh bakit ganyan mukha mo Anne?" Tanong ni Issa na halata ang pag-aalala sa mukha.

"Gusto mong pag-usapan?" Tanong naman ni Sophie kaya lumapit na rin ako sakanila.

"Ang hirap hirap guys. Sobrang hirap mag move on. Tinatry ko naman mapalapit ulit kay Theo pero.. wala. Hanggang kaibigan nalang." Pag-oopen up ni Anne.

High school sweethearts kasi sila ni Theo. Hindi ko sigurado kung anong rason ng break up nila pero ang alam ko, si Anne yung nakipag break. Sobrang sweet nga daw ni Theo nung sila pa eh. After naman ni Anne, wala na kaming nabalitaan na may ka-something sya. Pero ang alam ko, di nya na talaga gusto makipagbalikan. Ewan ko ba dun. Kung tutuusin maganda, matalino tsaka mabait naman tong si Anne eh. Choosy talaga.

FondWhere stories live. Discover now