"Hindi kami ni Jess."

"Oh."

Ngumiti ito. In fairness, guwapo pa rin talaga ang loko in a Paolo Avelino way. Kaunting derma-roller lang siguro at may pag-asa pa ang mukha nito.

"Saan ka nga pala nag-college?" tanong na lang ni Lia maski alam na niya ang sagot.
Sa FEU ito pumasok at nag-PolSci, pero nag-transfer sa Cabanatuan at nag-shift sa Nursing. Na-realize siguro na ayaw palang mag-abogado. Alam niya rin nang makapasa ito sa board exam at maging registered nurse. Nagtatrabaho ito sa ospital sa Cabanatuan.

Marami siyang alam dahil stalker siya nito sa Facebook. Well, tapos na ang pansi-stalk niya rito. Hindi na mauulit iyon. Hindi na siya interesado rito.

"NE-UST ako gumraduate. RN ako, Lia. Nagbabalak akong mag-med school, pero next year pa siguro."

"Nice. Bagay sa 'yong magdoktor."
Nauwi pa sa kung saan-saan ang kuwentuhan nila. Mayamaya pa ay may sumagi sa likod ni Lia na sumasayaw rin. Paglingon niya, nakita niya si Josh na nakangisi sa kanya habang kasayaw ang date ni Iñigo--si Jessica.

Lia rolled her eyes at ibinalik kay Iñigo ang atensiyon. "Does it bother you na magkasayaw sina Josh at Jessica?"

"I told you, wala kaming relasyon ni Jess," natawang sagot nito. "Well, what about you? Does it bother you?"

Nag-init ang mga pisngi niya. "Of course not! Friends lang kami ni Josh. Alam naman ng lahat iyon."

Tumawa ito. "Well, mukhang hindi ka na-inform."

"Na ano?"

"Na kung umasta si Josh ay parang may claim siya sa 'yo. Sobra kung bakuran ka. Pansin ko na maraming tumitingin sa 'yo na batchmates nating lalaki pero ako lang ang nakapagtangkang lumapit."

"Ako? Come on, Iñigo."

"You're hot, Lia."

"Telege? Este, talaga?" Parang gusto niyang kiligin at maging letter E lahat ng lumalabas na vowel sounds sa bibig. "Diyan ako hindi na-inform."

"Mukhang hindi ka na-inform sa maraming bagay," tawa uli ni Iñigo.

Tumawa rin si Lia. "Well, ngayon well-informed na ako--thanks to you."

"Puwede ko bang makuha ang number mo?"

"Sure! Magaling ka bang mag-memorize?" At ni-recite niya ang phone number.
Inulit nito ang sinabi niya. Mukhang namemorya nga agad ng loko, pero naniguro pa rin at dinukot ang phone sa bulsa para i-punch ang number. "May missed call ka. 'Save mo number, ha?"

"Sure."

"Ite-text kita."

"Sige."

"Puwede ring tawagan?"

"Oo ba, basta hindi ako tulog o busy sa pagsusulat."

"Magte-text muna ako."

"That's better."

Nagpatuloy sila sa pagsasayaw maski nagpalit na naman ng tugtog. Pangatlo na yata iyon mula nang magsimula sila. Enjoy naman si Lia sa pakikipagkuwentuhan dito dahil at ease na siya. Akala pa naman niya ay mate-tense siya nang todo kapag napalapit dito. Mukhang paso na ang epekto ng lalaki sa kanya.

Hindi na siya hung-up dito. Makaka-'move on' na siya!

Napahagikgik siya sa isipin.

"Bakit?" takang tanong ni Iñigo.

"Don't mind me. Wala, may naalala lang akong mga katangahan ko no'ng high school."

Mukhang plano pa nitong mag-urirat pero may humawak na sa braso niya at, "That's enough. Plano n'yo pa yatang ubusin ang tugtog ng banda."

Fall For You (PUBLISHED!!!)Where stories live. Discover now