Chapter 12

1.3K 49 11
                                    

{Yoon and Sheonsa's Outfit in the multimedia❤}

Devy's POV

"What!? That can't be!" Sabi ko ng malaman kong nagkita na pala si Nixon at Exy.

That girl! Aagawin niya nanaman saakin ang lahat! Una kay ate Amelia ngayon naman sakin!? Hinding hindi na ako papayag na makuha niya saakin si Nixon! Namatay ang ate ko ng dahil sakanya!

"Devy calm down! Why are you over reacting?" Tanong ni Mommy.

"Mommy can't you see?Aagawin niya saakin si Nixon! Hindi niya pwedeng makuha si Nixon,akin na siya!" Sabi ko.

"Wait! Devy did you fall for him already? Remember the only purpose
I sent you to the Philippines is to seek revenge for Amelia's death not fall for Nixon! And remember, dahil kay Exy namatay ang anak mo!" Sabi niya.

I looked down. It's not my intention pero eto na.

Tama siya,hindi nga dapat ako mahuhulog kay Nixon. But can you even blame me? He's caring, Handsome and all! Sinong hindi mahuhulog sakanya?

"Devy! Listen to me,hindi ka pwedeng mahulog kay Nixon siya ang dahilan kung bakit namatay ang ate Amelia mo. Don't let love ruin our plan Devy! May asawa ka na. Sila ang dahilan ng pagkawala ng Anak mo!" She said before leaving me behind.

Isa lang naman ang pinapagawa nila saakin. And that's to break Exy's heart. But for me my goal is to Break Exy's heart and make Nixon Mine! Only mine!

Sheonsa's POV

Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagmamaneho si Ate.

Sabi niya disappointed daw siya saakin. Mababa na daw ang grades ko at hindi naman daw ako ganito noon.

"Ate.." pagsisimula ko.

"Sorry po. Na pe-pressure na po kasi ako sa School eh." Sabi ko.

She looked at me.

"Sheonsa alam mo na napaka importante mag aral kaya sana naman mag aral ka ng mabuti ha? Gusto kong tumaas ulit ang mga grado mo,hindi matutuwa sila mommy kapag nalaman nila toh." Sabi niya.

Tumango ako

"Promise po ate! Gagawin ko po lahat para tumaas ulit ang grado ko!" Sabi ko.

"Good dahil ipapa tutor kita kay Yoon para matulungan ka niya."

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Hindi na kailangan yan ate! Kaya ko naman mag aral kailangan ko lang mag focus!" Sabi ko.

"Sheonsa, ipapatutor lang naman kita kay Yoon hindi ko naman sinabing ipababalik ko ang  relasyon niyong dalawa ang pag aaral ay pag aaral Sheonsa walang halong biro.." sabi ni Ate.

Tumango nalang ako dahil kailangan ko naman talagang makabawi para maka graduate ako.

"Ay Sheonsa nga pala sa bahay nila Nixon ang party Bukas ha! Unicorn ang theme na gusto ni Nixy kaya dapat ay pastel ang suotin mo!" Sabi ni ate.

"Ok po ate may pastel naman ako sa bahay." Sabi ko.

Nagmaneho siya ng payapa habang ako naman ay nakatulog.

⭐⭐⭐

Pumasok ako sa kwarto at naghanap ng isusuot ko bukas ng makakita ako ng isang off cream na dress. Ito nalang siguro ang susuotin ko.

Pumunta ako sa study desk ko at naghanap ng librong pwedeng mabasa ng biglang Bumukas ang pinto.

Napatingin ako sa pumasok.

Bringing Back The Old Us (TNATBBB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon