Chapter 11 !

1.9K 49 17
                                    

Thankyou po sa mga nagbabasa pa rin :))) Pakiss with feelings and poise :)))

DEDICATION ? Tweet nyo lang ako or comment lang kayo :)

VOTE and COMMENT please ? :(

Enjoy reading !

Kenneth's POV

Nandito na ko sa airport. Hinihintay ang pagdating ni Myra.

Si Myra ang kapatid ko. Magkasing edad kami. Bakit ? Ampon lang kasi si Myra. Pero alam ko naman na hindi nya naramdaman na adopted sya. :)

Last year pumunta syang US para dun na mag aral. Umuwi lang sya ngayon dito para magbakasyon.

"KUYAAAAAAA." Finally ! Narinig ko na rin ang isang familiar na boses :)

Tumingin ako sa naglalabasan na passenger, at ayun ! Si Myra na nga =).

"Oh nasan si Vincent?" Tanong ni myra nung nakalapit na sya sakin.

"Salamat ah. Ako kapatid mo diba? Ako yung nandito tas sya yung hinahanap." Nagkunwari akong tatalikod at aalis na.

"Ang epal mo. Tampurorot pa eh. Tara na nga." Hinabol nya ko sabay bigay nung baggage nya.

Astig talaga tong kapatid ko oh xD

Vincent's POV

Im here sa bahay. Hinihintay sila Kenneth. Magoover night kasi dito sila Myra eh. Walang tao sa bahay nila kaya dito muna silang magkapatid.

"Ah sir, ayos na po lahat." Sabi nung maid.

Inutusan ko kasi sya maghanda ng pagkain especially Menudo. Yun yung favorite ni Myra eh.

*Pip.pip.pip*

Narinig kong may bumusina. Sila na siguro yan.

Tumayo ako sa sofa then binuksan yung pinto.

"OMG, Vincent !" Sinalubong agad ako ni Myra.

Niyakap nya ko. Parang may kung anong ilang akong nararamdaman pero mas nangingibabaw yung saya.

"Kamusta ka?" Sabi ko sakanya habang nakayakap.

Umalis sya mula sa pagkakayap namin tyaka sumagot.

"Haha ok lang. Ikaw kamusta? I miss you!"

"Ehem, baka gusto nyo muna pumasok sa loob. Mabigat po tong maleta." Kenneth.

Haha nakaharang pala kami sa pinto. =))

Hinatak ko si Myra papunta sa dining room. Tas pinaupo sya sa dining table.

"Alam ko pagod ka. Kaya kumain ka na !" Sabi ko.

Hinainan naman sya nung maid then nag simula na kumain.

Kami rin ni Kenneth, kumain na !

"Ah, Vincent ! Yung tungkol satin bago ako umalis?" Tanong nya sakin habang kumakain kami.

Halos maluwa ko yung kinakain ko sa sobrang bigla.

"Nakapag isip isip na ko Vincent. Gusto ko sanang ita--."

"STOP !" sigaw ko. Ayoko na tapusin yung sasabihin nya.

Napatingin sakin si Kenneth at medyo kumunot yung noo.

"Ahmm, pede bang pagusapan na lang natin to mamaya?" Sabi ko.

Tumango naman si Myra tas tinuloy na ang pagkain.

Super FAN Girl Turns To HIS Super Girl :)(KATHNIEL)Where stories live. Discover now