𝕭𝖎𝖙𝖚𝖎𝖓 𝕴

14 0 0
                                    

SA MUNDONG ginagalawan ng iba't-ibang uri ng mahiwagang mga nilalang- mapa may kapangyarihan man o wala. May dalawang pilit nangunguna, walang nagpapahuli - Bawat isa'y gustong pumaibabaw.

Sa away na nangyayari sa pagitan ng mga bampira at lobo maraming inosenteng buhay ang nadamay dahil sa digmaang halos wala nang katapusan.

Ngunit may nakapagpatigil sa kaguluhang ito.......

Sina Alpha Cyprus, ang lobong namumuno sa kahariang Collosa sa Hilaga at si Prinsesa Cylla ang bampirang prinsesa sa kahariang Serapha sa Kanluran. Landas nila'y ipinagtagpo ng mga diyos at diyosa. Pero kahit na sila'y makapangyarihan ay binigyan parin sila ng mga pagsubok bago makamit ang kasiyahan at kapayapaan.

Sila ang dahilan kung bakit nagkapantay-pantay ang karapatan ng bawat nilalang. Ang Hilaga at Timog ay pinamunuan ng mga lobo habang ang Kanluran at Silangan ay hawak ng mga bampira.

Pero hindi nagtagal ay unti-unti na namang bumalik ang tensyon sa dalawang grupo. Simula nang natagpuan ng isang katulong sa kaharian ng Serapha ang katawan ni Alpha Cyprus na duguan habang nakayakap sa asawa nitong napakaputla....


SA TIMOG na bahagi- sa Kahariang Gafithika. Sa harden ng palasyo ng mga Caleigh, nakahiga sa gitna ng mga naggagandahang bulaklak at sa berdeng damuhan si Astreia habang natatakpan ng libro ang kanyang mukha. Ninanamnam ang bawat paghampas ng hangin sa kanyang balat, unti-unti namang bumukas ang kanyang mga mata ngunit napa upo naman siya kaagad nang kadiliman ang una niyang nabungaran. Napangiti siya nang mapakla, ayaw niya na talaga sa kadiliman, marami na siyang karanasan na hindi maganda dito. Simula sa pagkamatay ng ina hanggang noong iwan siya ng batang nakasalamuha niya sa may bundok -si Elatha.

Naging alerto siya at ang kanyang lobo ng may ma amoy na hindi pamilyar na baho. Nang bigla nalang ay may matipunong bisig na yumapos sa likod niya. Tinignan niya ito at siya'y nasiyahan sa pagbalik nito.

"Ea, parang may mali." sabi ni Hera, ang lobo niya

"Hera pinsan ko si Tyche, wala namang mali doon ah." sagot niya sa lobo niya

"Kung ganoon, bakit parang hindi pamilyar ang baho niya?"  Tiningala niya ang lalaking nakayakap sa kanya at ganoon nalang ang pagtataka nang makitang pula ang mga mata nito. Parang may mali nga.

"Hindi ko rin alam, pero kung ano man ang itinatago niya,  aalamin ko." ramdam niya ang pag-aalala ni Hera sa kanya pero hindi na nito mapipigilan pa ang kung ano man ang magiging desisyon niya.

"Sige, mag-ingat ka palagi Ea." 

Lumuwag siya sa pagkakayakap at hinigit ang lalaki papunta sa palasyo. Nang may biglang nahagip ang mata niya na isang itim na  ibon na hindi naman namamayani sa kahariang Gafithika, kundi nakikita lamang sa lugar ng mga bampira-ang raven. Kinukutuban siyang may hindi magandang mangyayari sa araw na iyon. Kaya nagmamadali siyang pumasok at agad na dumiretso sa kusina ,inilatag naman ni Tyche o kung sino man ito ang dinadala. May lumapit agad na kasambahay at kinuha ang mga pagkaing dala. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa, walang gustong bumasag kaya sinamantala niya ang pagkakataong ito para kausapin ang ama at kapatid na lalaki sa isipan.

"Amang hari, may nakita akong ibong raven sa labas ng palasyo. May kutob akong may pinaplano na naman ang mga bampira laban sa atin." yumuko siya para hindi makita ng pinsan ang nag iibang kulay na mga mata niya.

"Nakita rin namin, kaya ipinahanda ko na ang mga kawal. Mag-ingat ka-" naputol ang pakikipag-usap ko sa aking amang hari ng bigla akong nakaramdam ng mga kamay sa leeg ko dahilan upang unti-unting  nawawalan ako ng hangin. Biglang nag iba ang kulay ng mga mata ko at naitulak ko siya dahilan ng pagkatilapon niya sa labas, tinakbo ko ang pagitan namin at akmang susuntukin ito ng maramdaman kong may tinusok siya na kung ano sa leeg ko, tumubo ang mga kuko ko at kinalmot siya agad sa may leeg dahilan upang lumabas ang maraming dugo at nabahiran ang puti kong damit. 

Pagtingin ko sa paligid, marami na akong nakitang nakahandusay na mga tauhan namin at ng kalaban. Tatalikod na sana ako nang may nahagilap ang aking mga mata, isang kumikinang na bagay mula sa bulsa ng kalaban. Napa-upo ako sa sahig  nang may maramdaman akong matulis na bagay sa aking leeg, aatake na sana ang bampira pero may agad na sumalo sa kanyang atake at pinaslang ito . Pagtingin ko nakita ko si Arcas, ang anak ng Beta. Inilahad niya ang mga kamay niya nang may maalala ako na isang bagay na nakita ko sa bampira, kinuha ko ito at agad kinuha ang kanyang mga kamay. 

"Mag-ingat ka mahal na prinsesa." at bigla nalang akong kinindatan dahilan upang mamula ako pero hindi na nito napansin dahil agad itong tumalikod at sumulong sa gyera. 

"Mag-ingat ka rin Arcas." pabulong kong sambit. Bigla ko nalang naramdaman ang isang kamay na humila sa akin. Pipiglas na sana ako nang makitang ang amang hari pala ito kasunod ang kakambal ko na si Aeus o mas kilala bilang Astraeus. 

"Amang hari, saan tayo papunta?" tanong ko dahil hindi na ako mapakali sa mga nangyayari, natatakot na ako sa kanyang kaligtasan.

"May hinanda na akong lagusan na lalabasan ninyo at sa oras na tatakbo na kayo, huwag na huwag kayong lilingon sa likod." paglingon ko sa paligid ko namangha ako sa dami ng mga pinto. Napaubo ako nang may nasinghot akong abo sa itinapon na kung ano ng ama galing sa maliit na botilya sa kanyang kamay. Binuksan ng kapatid ko ang pintuan at bumungad ang kagubatang paraiso. 

Kinuha ng kapatid ko ang aking mga kamay at agad na kaming tumakbo. Nilingon ko ulit ang pintuan pero wala na ito sa kung saan, may munting luha ang lumandas sa aking mga mata. 

Mag -ingat ka amang hari. Saad ko sa aking isipan kahit alam ko na, na hindi niya na ako maririnig pa.

Sumabay nalang ako sa takbo ng aking kapatid kahit na hindi ko alam kung saan kami tutungo. 




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

StardustWhere stories live. Discover now