Prologue

14 1 0
                                    


SA MALAWAK na kagubatan sa likod nito'y isang kapatagang tila kumikinang dahil sa liwanag na galing sa buwan. Sa tahimik na gabi at sa nakakapaninding balahibong hangin. Alulong ng isang lobo ang naririnig, ngunit sa bawat tahol nito'y mararamdaman mo ang hinagpis na pinagdaanan ng lobo- ang pangungulila nito.

Samantalang sa kabilang banda naman ay isang batang bampirang naligaw dahil nais nitong makita ang lobong hanggang ngayo'y uma-alulong. Pag-asa ay unti-unting naglaho. Nang dumako ang mga mata niya sa kalangitan ay may nakita siyang tala, sa hindi malaman na rason ay parang sinasabihan siya nitong lumapit at sumunod sa kanya. Paa niya nama'y sumunod dito hanggang naramdaman niya nalang ang paghampas ng sariwang hangin sa mukha niya.

Nang tumingin siya sa paligid niya ay namangha siya sa angkin nitong ganda ngunit ang nakakuha ng kanyang pansin ay ang isang batang nakaupo sa malaking bato. Ang kulay abo nitong buhok ay kumikintab dahil sa liwanag galing sa buwan. Paa niya'y dahan-dahang lumapit dito habang puso niya nama'y unti-unting bumibilis sa bawat hakbang niya. Nang makalapit ay idinantay niya ang malamig niyang kamay dito.

Napapapitlag naman ang batang babae dahil kahit naramdaman niya ang presensya nito ay hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Pag lingon niya naman ay nakita niya ang batang nang-istorbo sa kanyang pagmu-muni hindi naman siya nahirapang makita ang kabuuan ng bata dahil sa liwanag ng buwan. Ito ay isang lalaki na may maputlang balat, ang mata nitong kulay abo ay makakapagpatigil sa sinumang taong titingin dito, ang kulay itim naman nitong buhok ay kasing itim pa ng gabi, kahit pa magulo na ito dahil sa lakas ng hangin ay bagay pa rin ito sa kanya.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay tila huminto ang pag-ikot ng mundo. Siya ay nakatitig lang sa kulay asul na mata ng batang babae. Puso niya'y tumibok ng mabilis ng walang kadahilanan. Nag-ipon muna siya ng lakas bago nagsalita.

"Ako nga pala si Elatha." sabay lahad ng kamay

"Astreia's my name."

Hindi niya alam bakit pero parang may dumaloy na kuryente nang mag tagpo ang kanilang mga kamay kaya agad siyang napabitaw.

"So-sorry nga pala kanina, nag-alala lang ako--"

"Wala kang dapat ipag-alala ok lang ako" sabay tingin nito sa ibang banda

"Sungit naman" mahinang sambit ng batang lalaki, pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Astreia

"Don't talk to strangers, iyan ang turo sakin ni mommy." nang maalala niya ang ina niya ay bigla na namang rumagasa ang lungkot sa kanyang sistema.

Nakita naman ito ni Elatha kaya humiga siya sa damuhan. Nabigla naman si Astreia sa ginawa nito, nag peace sign lang si Elatha at pina-unan si Ea sa kamay niya. Walang alinlangan namang humiga si Ea na ikinabigla niya sa sarili. Nanatili lang silang tahimik ng biglang nagsalita si Ea.

"Ang taas naman ng Elatha, pwede ba kitang tawaging Lath?"

"Sure, basta tawag ko sayo Ea ha!"

Ngumiti lang si Astreia at sa walang kadahilanan ay nakaramdam siya ng kaligtasan. Kahit na sila'y tahimik lamang ay hindi nakakaasiwa kundi komportableng-kumportable sila sa isa't-isa. Nang lumingon si Elatha kay Astreia ay nakita niya itong papikit-pikit na ang mata. Napatawa siya sa inakto ng bata at nagpasyang patutulugin nalang ito.

"Matulog kana mahal na prinsesa."

"Ayoko, baka iwan mo rin ako." may bahid na kalungkutan na sabi ni Ea

"Hindi naman, gusto mo bang kantahan kita?" Aya ni Lath

"Sige ba." ngiting sagot ni Ea

Tumikhim muna si Lath at nagsimulang kumanta. Hindi pa natapos ang kanta ay tulog na ito. Sinundot ni Lath ang pisngi nito para makumpirma at nang hindi ito gumalaw ay tinitigan niya muna ito na para bang gusto niyang kabesahin ang lahat ng parte sa mukha ng babae. Nang tignan niya ang relo niya ay nakita niyang alas dose na pala ng gabi alam niyang hinahanap na siya sa kanila kaya kahit mabigat ang kalooban ay iniwan niya ito. Pero bago umalis hinagkan niya muna ang noo nito at inilagay sa leeg ng babae ang kuwintas niya.

at ipinangako niya sa sarili niya na babantayan niya ito kahit malayo siya at babalikan niya ang kanyang pagmamay-ari.

StardustWhere stories live. Discover now