'Hay... swerte ko talaga.' Lumulutang naman ang kaluluwa ni Agent White habang nilalasap ang matamis na ngiti ni Ken. Mas gumagwapo kasi ito kapag nakangiti.

~~~~~

Wala pang dalawampong minuto ay nasa pwesto na si Belle ng target na sindekato. Halos malula at lumawa ang mata niya dahil sa dami ng pirated DVDs, pirated 3D dvd's at pirated CD games. Hindi niya maikakailang bet niya ang misyong ito dahil sa marami din siyang gustong bilhin na nobela.

Kahit na isa siya sa may pinakamalaking sahod na Agent ay hindi pa rin niya afford na bumili ng original CDs. Hindi dahil mahal ito kundi dahil sa sobrang tipid nito sa pera.

"Ang swerte ko naman. Pupuslit ako ng lima." Bulong niya sa sarili habang tumitingin-tingin ng CDs.

"Ano po hanap niyo ma'am?" tanong ng isang babae. Tantya niyang minurde edad pa ito pero marunong na ito sa pinasok na trabaho. Isinagawa na niya ang kanyang misyon at pumili ng iba't ibang CDs.

"Po?" Nagulat at nanlaki ang mata ng babaeng nag -aassist sa kanya nang malamang 100 pcs na CD ang bibilhin niya. "Sure po kayo?"

"Mas sure pa kay Noynoy." Pagbibiro ng cover agent. "Pahinging karton?" Request pa niya rito. Nagulat man ay sumunod ang tindera sa nererequest niya.

Halos magdadalawang oras din siyang namili dahil pinapatest at maingat niyang pinili ang bawat isang CD para hind maging halata na bogus lamang ang kanyang ginagawa.

"Ho! Ayan kompleto na." Sabi niya habang pinapagpag ang kamay niya. "Ate, andyan 'yong boss niyo? Pakausap naman?" Ito ang linyang nagbibigay ng senyales kay Ronnie Rickets at sa mga kasamahan nito upang makapaghanda na susunod na mamngyayari.

"Huh? Bakit po ma'am?" Nagtatakang tanong ng tindera.

"Syempre! Ang dami kaya nitong binili ko kaya nararapat lamang na may deskwento ako." Sabi ni Agent White na may hampas hampas pa sa balikat ng tindera.

"Kasi po..." tumingin ito sa kasamahang tindera na tumango lang sa kanya. "Sige po. Saglit lang." Pumasok ang batang tendera sa likod ng telang nagsisilbing pintoan papunta sa maliit na kwarto. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito lumabas. "Ate, pasok ka daw po."

"Stay in sight. Over." Biglang may nagsalita sa earpiece ni Agent White. "Palabasin mo siya, wala kaming vision sa loob."

'God! It's now or never!', sabi niya sa isip. Hindi pwedeng magfailed ang isang Code 350 mission dahil napakasimple nito at kahihiyan ito pagnagkataong failed ang status nito sa database. "Hindi po ba pwedeng dito nalang sa labas. Nakapark kasi yong kotse ko sa labas. You know na.." Nakangiting palusot niya.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 02, 2015 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Vindicte GratiaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant