"Mam?" They said in chorus. Alam kong any moment babagsak na to.

"Labas." Pagkasabi ko pa lang nagsilabasan na silang lahat. Tinungo ko ung office ko at ni-lock to.

Napaupo ako sa gilid at napaiyak.

Ganun ba kalaki ang epekto nito sakin? At kailangan ko pang magbago ng ganito?

Bakit pa nga ba ako pumayag tapos ngayon? Arrrgh!! Ang bobo ko talaga! Pano na lang kung...kung mahulog ulit ako sa kanya?

Bahala na. Desisyon ko naman ang lahat ng to. Sana lang wala akong pagsisihan sa huli.

Chapter 17

Faith's POV

Lumabas ako ng employee room. Sinabihan ko sila na sila na ang bahala sa Restaurant. Nagpunta muna ako ng simbahan. Ewan ko pero kailangan ko munang mag isip ng mabuti.

Dahil nga sa thursday ngayon konti lang ang mga tao dito sa Perpetual help parish.

Naupo ako sa gitna. Nag sign of the cross ako then lumuhod na ako.

Lord, i dont know kung paano ko sisimulan to. Pero ang hirap na kasi eh. Hindi ko alam kung ano ang pakikinggan ko. Kung puso ba o utak. Haay. Nade-depress na ako Lord. Please tulungan mo ako. Gabayan mo po sana ako. Atleast po sa ganitong paraan gumaan ang pakiramdam ko. I'll trust on you.

Napangiti ako. Siguro tama lang to. Para matapos na.

Nag sign of the cross ako at tumayo palabas ng simbahan.

Sumakay ako ng kotse ko then tinungo ko ang isang park.

Park kung saan namatay ang Ate ko. Naupo ako sa may bench. Then nag isip isip ng mabuti. Napasandal ako sa upuan.

Haaay. Nakakainis. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Ang hirap kumilos ng maayos lalo na at nandyan pa rin yung pain.

Alam ko ginagawa nya to para bumawi. Pero bakit imbis na matuwa ako dahil bumalik sya. Pero bakit parang gusto kong mawala na lang sya.

Sa tuwing makikita ko at makakasama sya bumabalik naman yung pain, na ayaw kong maramdaman.

I sigh. Then tumayo ako at nagsimula na akong maglakad lakad sa Park.

May nadaanan akong isang couple. Na ang sweet. Magkayakap sila sa ilalim ng isang mango tree. Habang nagse-sway sila dun. Kahit walang tugtog.

Napansin ko naman yung isang batang lalake na ang saya saya nya. Habang inililipad sya ng papa nya sa ere.

Naisip ko ang pamilya ko. Minsan lang kami ganyan kasaya. Nung kumpleto pa kami. Nung nandito pa si Ate Liza.

Pero ngayon mukhang malabo na.

Napatingala ako at napatingin sa langit. Ng biglang may bumagsak sa mukha ko na malalaking patak ng tubig.

Umulan ng malakas. Nakatayo lang ako habang nakatingala sa langit. At nagbabagsakan sa mukha ko ang malalakas na patak ng ulan.

Habang umuulan umiiyak ako.

Naglakad na lang ako. Wala na akong maramdaman. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Ayaw ko nang umiyak. Nakakapagod na ang umiyak.

Nagtungo na ako sa kotse ko at umuwi sa condo ko.

Pagpasok ko naligo na ako at nagbihis. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.

Pinatong ko yung braso ko sa mukha ko. Habang umiiyak ako. Hanggang sa makatulog ako.

You're Better Than Last (Part 1 and Part 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now