Teka.. Teka? Kilala nya ung mga waitress dito?

"Mam."

"Paki asikaso muna sya. Che-check ko lang ung kitchen."

"Sige po mam." Umalis na si Faith at dumiretso ng kusina.

Napatingin ako sa waitress na nakatayo sa tabi ko.

"Uhmm. Miss?"

Lumingon naman agad ung waitress sakin.

"Yes sir?" Sabi nya na parang kinikilig.

Napakamot ako ng ulo ko. "Tanong ko lang ha? Si Faith ba ung may ari nito?"

"Opo sir. Last year lang po nagbukas tong restaurant ni mam. Minsan po sya ung nagluluto ng ibang menu dito. Pag uuwi po sya galing New York."

"Aah. Sige salamat."

"Ano po bang gusto nyong kainin sir?"

"Ice tea na lang." Sabi ko. Then nag smile ako sa kanya.

Pagkaalis ng waitress. Naghintay lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pina-plano ni Faith. Pero sige makiki-ride ako. Mukhang exciting kasi to eh.

Faith's POV

Gusto kong tumawa. Pano ba naman kasi, niloloko ko lang sya. Sya naman ang seryoso.

Andito kami sa Restaurant ko. Pasensya na. Hindi ko nakwento na may Restaurant ako. Last year ko lang binuksan to.

Nasa kitchen ako ngayon. Chine-check ko lang kung malinis ba lahat.

"Mam. Handa na po." Sabi ni Chef Belle. Kinuha ko sa kanya ung Roasted chicken.

Lumabas ako then inilapag ko sa table ung dish.

Nakatingin lang sya sa ginagawa ko. Mamaya, sisiguraduhin kong malinaw ang lahat.

"Ginny." Lumingon agad si Ginny. "Pakilabas ung potato salad at ung dalawang Raspberry Ice cream"

Agad na tinungo ni Ginny ung kitchen. Naupo ako sa kaharap nyang upuan.

"So. Hows it feel?" I said while smiling.

"What do you mean by that?" Napahinga ako ng malalim then nag start na akong magsalita.

"Okay. Pumapayag na ako sa gusto mo?" Napatingin sya sa sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bibigyan kita ng ten days para bumawi."

Bigla bigla lumabas na lang yun sa bibig ko. Yun naman talaga ung plano ko eh.

"Huh?"

"Okay." Huminga ako ng malalim. "Di ba sabi mo. Gusto mong bumawi bumalik lang ako. Then prove to me na deserve ka pa bang balikan." Maya maya dumating na ung mga pagkain. "Thanks." Sabi ko kay Ginny.

"Okay. Ten days pumapayag ako. I can deal with it." He said.

"So. Tomorrow would be the start?"

"Sige. Kung yan lang ang tanging paraan para bumalik ka ulit."

"Then prove it." Tinaasan ko na sya ng kilay. Tumayo na ako. Pupunta na sana ako ng kitchen ng hatakin nya ako at yakapin.

O______O

Nakita ko lahat ng tao at mga staff ko gulat na gulat din.

Yung ibang costumer nakangiti. Samantalang ako gulat na gulat.

"I promise. Ibabalik kita." Bulong nya sakin pero kumalas na ako sa yakap then.. I sigh.

"Okay. Lets see kung maibabalik mo pa ako." After that tinalikuran ko na sya at tumungo na ako sa employee room. Nagulat naman ung mga staff ko ng restaurant.

You're Better Than Last (Part 1 and Part 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now