It's the first day of December.
Ramdam ko na 'yung holiday season and of course, December means... Maraming parties. And, isa sa mga parties na pupuntahan ko ay 'yung year end party ng company namin.
Nga pala, I'm a call center agent working with a well-known BPO company. 3 years na rin akong agent, you could say na sanay na akong sumalo ng galit ng ibang tao. Haha.
While on my 15 minute break sa pantry, eating my favorite comfort food, I heard someone calling my name.
"Sam, nakita mo na ba 'yung communication tungkol doon sa year end party? Nakaka-excite! IV of Spades is gonna perform!" Excited na sigaw ng kaibigan kong si Marie.
Natawa na lang ako.
Hindi ako actually fan ng IV of Spades but I've heard of them and listened to "Mundo" kasi sikat and nagustuhan ko 'yung song.
Kinalabit ako ni Marie.
"Hay nako mars! Sabay-sabay na tayong pumunta sa SMX ha! Mag-Grab na lang tayo." Marie said pertaining to the venue of the party.
I just nodded with a smile sabay subo ng isang buong pirasong Hany chocolate.
Ang takaw ko.
--------------------------------------------------------------
The day of the party came.
"Nasaan ka na ba Marie? Nandito na ako sa labas ng office!" Kausap ko si Marie sa phone dahil wala pa sila ng ibang mga kaibigan namin. Meeting place namin 'yung 7-Eleven sa labas ng office and isa pa lang sa mga kaibigan ang dumating. 15 minutes na kasi kaming naghihintay.
"Ito na, ito na! Naglalakad na ako papuntang 7-Eleven." Pag-explain ni Marie.
05:30 PM 'yung start ng registration para sa year end party at 06:00 PM na at hindi pa kami nakakaalis. Nagsisidatingan na 'yung mga friends namin
Maya-maya dumating na rin si Marie, wearing a glittery black crop-top paired with a black skirt.
"Tagal mo mars!" Sarcastic na bati ko sa kanya.
She just laughed and said, "Sorry na. Tara na, magbook na tayo ng Grab."
Napa-180° na lang 'yung mga mata ko.
--------------------------------------------------------------
Masaya kaming dumating sa venue ng party. Aba, eh, panay ang tawa namin kay Marie habang ini-interview 'yung Grab driver namin na may edad na.
We walked towards the entrance while chatting and laughing at Marie's jokes. Lahat kami ng friends ko, we decided to wear black.
Simple lang ako, naka-black tank top paired with my maong jacket, black jeans, and my trusty Adidas Superstar sneakers.
Pagpasok namin sa venue and after registering, we decided to eat first bago pa dumilim ang paligid kapag nag-start na 'yung programs.
Tiningnan ko 'yung schedule ng programs.
Apparently mauuna muna 'yung dance contest bago magperform 'yung IV of Spades na favorite ni Marie.
Hindi ko na naubos 'yung kinakain ko dahil bigla na lang aking hinila ni Marie papuntang stage dahil nagka-countdown na.
"Marie naman eh! Hindi ko pa ubos 'yung blueberry cheesecake ko!" Sigaw ko kay Marie dahil maingay na ang venue.
Tinawanan lang ako ni Marie at hindi sineryoso 'yung sinabi ko.
Wala na akong nagawa kundi magpahila.
Ang daming tao na malapit sa stage pero sa ang galing ni Marie. Nagawa pa niyang mahila ako hanggang malapit sa stage!
STAI LEGGENDO
IV of Spades One Shots
FanfictionFan fictions/imaginations/one shots about IV of Spades to make us feel the kilig. 💕
