Chapter One

15 2 1
                                        

"Tulala ka na naman, Mechaila"

Bumalik ako sa katinuan nang pitikin ako sa noo ni Leila. And later than i realized na nandito parin kami sa office naming dalawa at kumakain ng lunch.

"May sakit ka ba? naku! uwi kana ako na bahala dito..." nag aalalang sabi nya tapos sinipat sipat ako. inirapan ko naman sya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Okay lang ako, nastress lang" inilingan nya na lang ako at pinagpatuloy na rin nya ang pagkain. totoo namang stress ako, hindi naman kasi madali mag handle ng business at the age of 21 heto na kami ngayon ni Leila. we're business partners. Sobrang dream din kasi namin dati simula 'nung mga nene pa kami na magpatayo ng Resto Bar. Glad to say magbubukas na kami ng second branch.

"BG kaya tayo sa saturday since pareho naman tayong stress. aba'y arat na at magliwaliw" binatukan ko naman sya bigla.

"gaga! lalayo pa ba tayo may alak din naman dito sa Resto Bar natin" Ngumuso sya ng parang bata. seriously? sabagay hindi na ko nasanay hindi na talaga ata magbabago 'tong babae na 'to.

"eh gusto ko new environment tsaka hindi mo ba namiss ang BG?"

Sumeryoso ang mukha ko. now that she mentioned it. ayan na naman yung puso ko. yung pakiramdam na parang binabalik ako sa nakaraan.

Hay! self diba okay ka na? pigilan mo yung sarili mong magpalamon sa nakaraan.

"are you okay? sorry ah akala ko kasi..." i cut her off.

"hindi okay lang punta tayo dun sa saturday." ngumiti ako at pinilit pasayahin ang usapan kahit sa loob ko nadudurog ako.

Pagkatapos naming mag-usap nagpaalam akong mag ccr lang. pagpasok ko nilock ko agad yung pinto at naghilamos. I need to wash my face to hide my tears. makailang beses kong hinilamusan ang mukha ko pero patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko. hanggang sa hindi ko napigilan napahikbi na ako.

I miss you so much Macky.

Masaya ka ba dyan? sorry for crying again hindi ko lang mapigilan miss na miss lang kasi kita. it's been 4 years but the pain is still here. sariwa parin yung sugat sa puso ko. mahal na mahal parin kita. ang hirap umusad kapag naiisip kong wala ka sa buhay ko, please kahit imposible na would you please comeback?

For the last time naghilamos ako, my eyes is swollen. iniyakan ko na naman sya. bakit kaya kailangan pang may mawala? bakit kailangan nyang mawala? bakit ang unfair? God, i know you have more better plans for me pero bat kailangan ganto kasakit yung consequence. is it really for the better? ang hirap pong umusad.

Pinunasan ko yung luha ko at naglagay ng make up.

Apat taon na simula ng mawala sa buhay ko si Macky Fallurin. but the wounds that he ingrave is still fresh. however, mahirap kalimutan yung taong minahal mo ng sobra. mahirap tanggalin kapag permanente ng tumatak sa buhay mo yung tao na yun.

Today is January 14. our almost 6 years anniversary. hindi na nga yata ako makakamove on. hays tandang tanda ko pa e. malamang, sa apat na taon na wala sya nagcecelebrate ako mag isa. at ngayon magiging baliw na naman ako. bahala na once a year lang naman 'to e. dahil na rin sa sobrang kahibangan I even name our Resto Bar na inspire sa pangalan nya Mac shot inspire ulit sa kanya dahil isa syang manginginom, timawa sa alak buti na nga lang hindi na umangal si Leila.

"You sure? as in pupunta tayong BG?" yung malaking mata ni Leila mas lumaki pa lalo dahil sa pagkakaluwa neto sa gulat.

Kinausap ko na yung katiwala namin para ihandle muna ang Resto bar. hanggang hating gabi lang naman kami open kaya sayang kung magsasara pa kami gayong 8pm na rin naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HopelessStories to obsess over. Discover now