Chapter 1

13 0 1
                                    

Destiny. Fate. Happy ending. True love. 

Violette Fernandez believes all of them. Naniniwala siyang darating sa kanya ang kanyang other half. Kaya naman ngayong 21 years old na siya'y di pa rin siya nagkaka-boyfriend, patuloy siyang maghihintay sa kanyang the one. Naniniwala siyang kapag nakaharap na niya ang taong para sa kanya'y makikilala niya ito. Naniniwala siya sa spark ng pag-ibig at iyon ang hinahanap niya. 

At habang hinihintay niya ang kanyang The one, hahanap muna siya ng raket para pambuhay sa sarili niya. May raket na inirekomenda ang kaibigan niya at syempre pa ay sinunggaban na niya agad ng di man lang inalam kung anong klaseng trabaho ang gagawin niya, may tiwala naman siya sa kaibigan niya. Sabi nito ay may isang kilalang unibersidad na may One-day Market event at may isang booth na nangangailangan ng maskot. Maaga pa lang ay nandoon na siya sa nasabing unibersidad kasama ang kaibigan na kasama niya sa raket, iyon nga lang ay sa ibang booth ito na-assign. 

Tatlong oras na siyang nakatayo sa labas ng booth habang nang-e-engganyo ng mga tao para pumasok sa booth na iyon. Ang booth ay tinatawag na The Sweet Booth kung saan ang mga itinitinda'y mga chocolates at candies. Kanina pagpasok niya'y napalulon siya ng laway habang inililibot ang tingin sa mga naka-display mga paninda. Pero napanganga naman siya nang mabasa kung magkano ang mga iyon. Ang isang maliit na piraso ng candy ay nagkakahalaga ng limampong-piso. Akalain mo iyon? Mabuti kung may bumili pa ng mga paninda nila dito e kay mamahal. Laking gulat niya ng tuluyan ng buksan ang booth ay maraming pumapasok na mga costumers. Kung sabagay mayayaman naman ang mga estudyante rito kaya barya lang para sa kanila ang mga presyo dito. 

Mabilis na ang paghinga niya dahil sa init ng suot niya. Nakasuot siya ng rabbit costume at wala pa siyang pahinga. Ligo na siya sa pawis at uhaw na uhaw na siya. Hitik na hitik ang araw pero marami pa ring naglabas-masok sa naturang booth. Kumaway-kaway siya sa mga tao nang masagi siya ng taong papalabas ng booth. Muntik na siyang matumba kung hindi lang niya nabalanse agad ang katawan. Humingi naman ng tawad ang taong nakasagi sa kanya.

"Violette, take some rest. May mga maiinom tayo doon sa likod, pumunta ka na lang doon. Siguradong init na init ka na diyan sa suot mo." Sabi ni Jane, ang namamahala ng booth na iyon. Mukha itong mabait, laging nakangiti at kay lumanay pa ng boses. 

"Sige, salamat."

"No, thank you. Mahirap kayang maghanap ng taong magsusuot ng mascot ngayon tag-init, mabuti nga at nakatagal ka diyan sa suot mo. Tsaka maraming pumapasok dito dahil sa napaka-energitic mong pang-e-engganyo ng mga tao kaya salamat sa iyo." Hinawakan nito ang dalawa kong kamay. 

Ang bait naman niya, sambit ng isip ko.  "Naku wala lang ito, dati nga nagpataga pa ako ng kutsilyo sa perya para lang kumita. Wala lang ito sa akin saka malaki raw ang ibabayad niyo sa akin kaya dapat kong pagsipagan ang trabaho." Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito. Kahit sa gulat na reaksiyon ay maganda pa rin itong pagmasdan.

"Talaga? Ginawa mo iyon? Iyong binabato ka ng kutsilyo habang may mansanas sa ulo?" Gusto niyang matawa sa hitsura nito.

"Hindi, nagbibiro lang ako." Tila nakahinga naman ito ng maluwag. "Pero marami na akong trabaho na mas mahirap pa dito."

"Ah ganun ba? Teka, tulungan na kitang alisin itong nasa ulo mo." Tinulungan nga niya akong alisin ang ulo ng rabbit na nasa ulo ko. "Naku basang-basa ka na ng pawis. Halika ka na sa doon ng makapagpahinga ka."

"Salamat."

Nakahinga siya ng maluwag ng mawala ang suot niya sa ulo. Kahit papaano'y presko na ang pakiramdam ng ulo niya. Kahit kay lagkit na ng pakiramdam niya sa buong katawan ay di pa niya iyon mahuhubad dahil may taltong oras pa siya bago matapos ang trabaho niya.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 05, 2015 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Meeting Mr. PerfectDove le storie prendono vita. Scoprilo ora