Sa Oras na ito ay nalaman na ni Alexis ang mga tanong na kanina pa bumabagabag sa kanya. Etros doesn't like him. Pinaglalaruan lang siya nito.

Mariin na ipinikit ni Alexis ang mata. Humugot din siya ng lakas ng loob para lumayo. Sakto nang idilat niya ang mata ay ang pag alingawngaw naman ng boses ng kanyang
tita, isinisigaw nito ang pangalan niya. Gulat at kinakabahan na ibinaling ni Alexis ang tingin sa gawi nila Etros, umaasa na sana ay hindi nito narinig ang pagsigaw ng tita niya sa kanyang pangalan, ngunit hindi nakikisama sa kanya ang tadhana. Nakatingin na ngayon si Etros sa kanya, pati na ang babaeng kasama nito. May itinanong ang babae kay Etros na agad din naman nitong sinagot. Hindi alam ni Alexis kung ano ang sinagot nito na siyang naging dahilan para ngumiti ng
sobra ang babae.

Mariing nakagat ni Alexis ang labi nang makita niya kung papaano ilahad ni Etros ang kamay nito para alalayan ang babae sa pagtayo. Sa puntong iyon ay lakas loob ng naglakad palayo si Alexis. Nilapitan na niya ang tita niya. Niyakap siya
nito ng mahigpit atsaka siya nagmano. Nakita ni Alexis sila Etros at ang kasama nito na tinatahak ang daan papunta sa kanila. Kinabahan siya bigla. Paano kung lapitan siya nito? Baka kung ano ang sabihin nito sa tita niya.

"Ito 'yong pasalubong ko sa inyo ng mama niyo. Huli ko na naibigay dahil kakarating lang namin kanina rito sa Maynila." Inabot nito kay Alexis ang kulay maroon na medium sized paper bag. Kinuha niya ito atsaka nagpasalamat.

"O siya, aalis na ako dahil maya maya lang ay babyahe na kami pauwi sa pampanga." Malungkot nitong aniya bago siya yakapin ng mahigpit. "Sa susunod dadalaw na kami sa bahay
niyo. Ingat kayo ng ate at mag-aral ng maigi." Madamdamin nitong dagdag bago humiwalay sa kanya.

Nagpasalamat siya sa tita niya bago ito tuluyang umalis. Mabuti na lang at naka alis na ang tita niya bago pa
makalapit ng tuluyan sa kanya si Etros at ang kasama nito. Mariin ulit na ipinikit ni alexis ang mata. Lakas loob niyang
hinarap ang mga ito. Sigurado siya na pagtatawanan siya ni
Etros at ipagmamalaki ang babaeng kasama nito, handa na
siyang marinig mula rito ang salitang pinaglalaruan lang kita.

Alexis smiled, ang ngiting nababakasan ng sakit. Nilabas
niya ang cellphone para gamitin 'yon sa pakikipag-usap kay
Etros.

"Alexis." Nakangiting bati ni Etros sa kanya.

Ginantihan niya ang ngiti na 'yon

"What are you doing here?"

Tumipa siya sa cellphone. 'Nakipagkita lang sa tita ko.' Bumaba ang tingin ni Alexis sa babaeng katabi nito. Nakangiti ito sa kanya at tila ba tuwang tuwa na makita siya. Naiilang niya itong nginitian.

'Kasama mo pala ang girlfriend mo, sige mauuna na
ako.' Ipinakita niya iyon kay Etros. Akmang ibubulsa niya na
sana 'yong cellphone niya nang hawakan ni Etros ang
palapulsuhan niya. Nakangisi ito na siyang ikinakunot ng noo niya. Bakit nakangisi ito at tila ba tuwang tuwa? Masaya ba ito dahil sa napaglaruan na siya ni Etros?

Pinaghalong galit at sakit ang nararamdaman niya ngayon. Marahas niyang binawi ang kamay bago tapunan ng masamang tingin si Etros. Nakangisi pa rin ito.

"You're jealous."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Siya?! Nagseselos?! No way! Nanginginig ang mga kamay niya na
tumipa sa cellphone.

'Wala akong dahilan para magselos.' Namumula ang mukha niya nang ipakita 'yon kay Etros. Mukhang nakita rin ng kasama nito ang mensahe na itinipa niya. Humagikhik ito bago hampasin si Etros sa braso. Lumapit ito sa kanya.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon