Rule #2 (No string attached) & Rule #6 (No curfew)

Start from the beginning
                                        

Pabirong saad ni Alen na tumingin pa kay Andrea pero ngiti lang naman ang naisagot nito.

"Sorry pare, medyo pagod ako."

Pagod? Pagod saan? Tsk!

Ipinatong nito ang kanyang coat sa mesa saka umupo sa tabi ni Andrea at kunwari'y umakbay pa ito sa kanya bagay na nakapagpatayo ng kanyang mga balahibo. 

Dug! Dug! Dug!

Akala mo'y may giyerang nangyayari nanaman sa loob ng kanyang dibdib sa bilis ng pagpintig ng kanyang puso.

Magtigil ka! May bisita kaya you need to act! Yun lang yun at wala ng ibang dahilan pa!

Saway niya sa sarili.

"Kaylangan kong bumawi dito sa misis ko. As you have said, masiyado na akong busy."

Naramdaman nalang niyang inilapit ni Paul ang kanyang ulo sa kanya at ginawaran ng damping halik ang kanyang pisngi. Napalingon siya sa lalake sa sobrang gulat at nagtama ang kanilang mga matatangos na ilong dahil nanatili si Paul na nakaharap sa kanya.

Dugdug!

Dugdug!

Dugdug!

Mas bumilis pa ang pinting ng kanyang puso ng magtama ang kanilang mga mata.

"Ehhheeeemmmmmm..."

Natauhan sila ng maalalang nasa harap nga pala nila si Alen sa abot hanggang tenga na ang ngiti.

"Oh, eh pano pare. I think I must go. Para naman maituloy nyo na yang____ ammmm.. ang ibig kong sabihin eh, para makapagpahinga kana. haha! Pano Mrs. Trinidad, mauna ako . "

Tumayo na ito mula sa pagkakaupo.

"Masyado ka namang pormal. Just call me Andrea." Nanatili itong nakaupo sa sofa.

"Amm.. ihahatid na kita sa labas pre! Sorry next time!"

At inakbayan na ito n Paul palabas ng bahay.

..

.

.

.

.

.

.

Pagkapasok ni Paul sa kanilang sala ay nadatnan niyang nkaharap si Andrea sa TV. Alam niyang naramdaman naman nito ang pagbukas ng pintuan pero hini manlang ito lumingon sa kanya.

"Anong pinag-usapan nyo ni Alen?" Unang tanong ni Paul. Bagay na nakapagpalingon sa babae.

"Ha? wala. Hinahanap ka lang niya and as usual I have to tell him some fake reasons for you."

"Eh di sana hindi ka nalang sumagot if you don't want."

Halatang may tampo ang kanyang boses. Aakyat na sana si Paul sa hagdan ng muling magsalita si Andrea.

"Maliban sa naikuwento niyang Nerdy ka dati, wala naman na kaming ibang napag-usapan"

I'm letting you go...Where stories live. Discover now