Rule #2 (No string attached) & Rule #6 (No curfew)

372 9 0
                                        

Sana magustuhan nyo! :D

_____________________________________________________________________

Hindi mapakali si Andrea at daig pa niya ang naglakad ng mahaba-habang kilometro dahil kanina pa siya palakad-lakad sa kanyang kuwarto. Alas diyes na ng gabi at nakauwi narin ang kanyang ama na dumaan lamang kanina para kumustahin siya. Napapasilip siya sa kanyang bintana kapag may naririnig siyang huni ng sasakyan.

Bakit nga ba siya umaasang darating pa ito samantalang napakalakas ng ulan at siya na nga mismo kanina ang nagsabing wag na itong umuwi.

Bakit naman niya kaylangang tumawag pa at magsorry dahil di siya nakauwi? Eh kasama sa pinirmahan namin iyon. Walang curfew!

Beep! Beep!

Dali-dali siang sumilip sa bintana ng marinig iyon ngunit nalungkot din siya ng makitang bumubusina lang pala ang isang kotse sa nakaharang na pusa sa daan.

Tsk! ano ba kasing hinihintay ko? makatulog na nga!

At dahil masama pa ang kanyang pakiramdam at hindi pa tapos ang kanang buwanang regla, nagpasya na itong humiga at magpahinga.

Tsik!

Tsik!

Tsik!

Tsik!

Dinig na dinig parin niya ang orasang nakapatong sa lamesa malapit sa kanyang kama at buhay na buhay pa ang kanyang diwa.

Bumalikwas ito at humarap sa kabila pero hindi parin siya dalawin ng antok.

Maybe they are together...

Siguro masayang-masaya sila kaya nakalimutan na niyang umuwi...

Pero bakit Andrea? Bakit may konting kirot kang nararamdaman?

Hindi niya napigilang tumulo ang isang butil ng luha mula sa kanyang mata. Agad din niyang pinahid iyon at ipinikit ang mga ito.

Ano bang iniiyakan ko? kaloka! Makatulog na nga!

At isinaklob na niya ang kanyang makapal na kumot sa kanyang buong katawan.

.

.

.

.

.

.

.

6am

Nakapikit pa si Andrea habang kinakapa-kapa ang kanyang katabi na animo'y ingat na ingat na huwag itong magising. Iminulat niya ang kanyang mga mata ng mapagtantong wala nga pala siyang katabi ngayon dahil hindi umuwi si Paul kagabi.

Hoy! Andrea! gising na! para kang mantika kung matulog!

Hoy! kumain kana! papasok na ako!

Hoy lumabas ka! Huwag kang magmukmok dito at puro TV ang inaatupag!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ito lagi ang kanyang mga naririnig mula nung magsama silang dalawa. Memoryado na ata niya lahat ng linya ng lalake kahit lagi siyang nagkukunwaring tulog.

I'm letting you go...Where stories live. Discover now