Rule #2 (No string attached) & Rule #6 (No curfew)

Start from the beginning
                                        

Nakakamiss din pala ang hinayupak na yun!Sambit nito sa sarili saka tinungo ang banyo at nagpasyang maligo muna bago kumain.

Pagkababa ni Andrea ay nakahanda na ang kanyang almusal. Nang matapos siyang kumin ay siya narin ang naghugas at nag-ayos ng mga pinagkainan niya.

In fairness! natututo na siya ng mga gawaing bahay. Siya narin ang nagpupunas ng mga paintings niya, ng lamesa sa sala, mga upuan at TV kapag napapansin niyang maraming ginagawa si Manang Luring. Pagkatapos niyang maghugas ay nagtungo siya sa sala para buksan sana ang TV ng tawagin siya ng kanilang katulong mula sa labas ng kanilang bahay.

"Ma'am Andrea may bisita ho kayo!"

Umarko naman ang kanyang mga kilay at napaisip kung sino ang kanyang bisita. Hindi naman siguro ang dalawa niyang kaybigan na sina Sab at Nikki dahil busy naman ang mga ito sa kani-kanilang trabaho at pamilya.

Nagulat nalang siya ng mapagtanto kung sino ang kanyang bisita.

"Oh, Hi Mrs. Trinidad!"

Ang guwapong kaybigan ng kanyang asawa. Si Alen.

"H-hi! napadalaw ka? Come in, take a seat."

Nakangiti naman niyang saad sa lalake.
Umupo naman ito sa sofa kasabay ng pag-upo ni Andrea sa harap din nito.

"Can I offer you something? Juice? Coffee?"Muling tanong ni Andrea.

"Ummm.. coffee will do. Thanks!"

"Ah, sige. I'll get some. Maiwan muna kita."Tumayo si Andrea at tinungo ang kusina para igawa ito ng kape at nagdala narin siya ng limang slice ng bread to pair it. Pagbalik niya sa sala ay nadatnan niyang pinagmamasdan ni Alen ang mga paintings na nakasabit roon at ang malaking picture nila ni Paul noong ikinasal sila.

"Oh, magkape ka muna. Are you here for my husband?"

Husband.... Awkward!

"Oh, thanks! Yeah! Alam ko kasing walang pasok ngayon yun kaya inagahan ko para wala siyang lusot."Nakangiti itong umupo sa ulit sa sofa at saka humigup ng kape.

"Tulog paba siya? Wow! may kasama pang tinapay. Thanks!"Kinuha nito ang isang slice ng bread at saka kinain na akala mo'y hindi kumain ng isang linggo.

Hindi mo naman sinabi, makikikain ka pala. Eh di sana ipinaghanda pa kita ng masarap na almusal! Guwapo kapa naman pero kung makakain ka wagas! haha!

"Ammm.. wala pa siya." Maiksing tugon ni Andrea sa lalake. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na hindi dito natulog ang kanyang asawa kagabi.

"What?"Napatigil naman ito sa ginagawang paghigop ng kape na akala moy sabaw ng sopas ang hinihigop.

"May meeting siya kagabi with his clients. Hindi na siya nakauwi kasi sobrang lakas ng ulan kagabi."

"oh, I see..."

I'm letting you go...Where stories live. Discover now