JHOPEEEEEEEEEE (38)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh kayo saan naman kayo pupunta?", tanong naman ni Jin kila JK,

"Sasama din, walang food sa bahay eh tapos aalis ka pa edi walang magluluto kaya dun kami kakain kila Angel", sagot niya,

"So magsasamahan kayong lahat?-", naputol yung sinasabi niya nang bumusina ng malakas yung isa sa kotseng service nila,

*beeep beeeeep beeeeep*

"Ang tagal niyo isang oras na kong naghihintay dito", at bumungad samin si RM na magkasalubong ang kilay pagkabukas ng bintana ng kotse,

"Sino ba may sabing maghintay ka jan?", tanong ni Yoongi sakanya,

"W-Wala baka iwanan niyo ko eh ano? Tara na kaya-" pagkasabi niya nun ay bigla niyang napaandar yung kotse a-at

*Booooogsh*

"WTF RM!", sigaw ni Jin pagkabagsak na pagkabagsak ng bumper ng kotse,

Paano si Mr. Leader nagderederecho sa pader,

Bumaba ng kotse si RM at saka inihagis kay Jin yung susi,

"Hyung pakiatras nga, tapos pangit yan idrive ibang kotse nalang gamitin natin-", sabi nito saka tumabi samin,

"Talagang ibang kotse ang gagamitin natin, sino ba ang may gustong gumamit ng kotseng nakahulog ang bumper?", taas kilay na tanong ni Yoongi,

"Feeling yata ni Hyung nag babump car siya eh like pabangga bangga nalang!", tatawa tawang sabi ni V kaya nagtawanan din yung ibang member maliban kay RM at Yoongi,

"V hindi talaga kita isasali sa Cypher pt. 7 kala mo! Umasa ka na sa 5 and 6 ngayon wala ka na ring aasahan sa 7",  sabi ni RM sabay rolled eyes,

"I'm just kidding hyung hehe", kakamot kamot sa ulong sabi nito,

Pagkatapos ng diskusyon nila ay napagpasyahan na naming umalis,

Si Jin ang driver nung isang kotse at sakanya na sumabay si Cynth and RM,

Sa isa naman ay si Yoongi ang driver then nakasakay dun si V and JK,

Tapos yung kotse naman ni Hoseok ay si Jimin ang magdadrive at kami lang ni Janeah ang sakay, nasa passenger seat kami kandong ko si Janeah,

Dapat nga ay isang kotse nalang ang dadalin nila pero hindi sila magkakasya pauwi dahil iiwanan na sa bahay yung kotse ni Hoseok,

"Have you already talked about the plan?", tanong ni Jimin habang lumilingon lingon sakin,

"Ni Jinnie oppa? Yep and umagree siya na sa Pilipinas gawin yung plano", nakangiting sagot ko sakanya,

"Buti naman, ahm yung dance performance pala natin kabisado mo pa ba?" Tanong niya,

Kabisado ko pa nga ba? At di ko pa pala yun nasasabi kay Hoseok,

"Ahm medyo nakalimutan ko na yung iba", sagot ko sakanya kaya tumawa siya,

"Sige irecap nalang natin mamaya", sabi niya,

"Paano? Andun si Cynth baka mapansin?", tanong ko sakanya,

"Sa studio naman tayo diba? Unless isasama mo siya sa studio", pagbibiro niya,

Buong byahe ay nasa isip ko lang yung dance interpretation namin like sana hindi ganong kaintimate ang dating katulad sa mga nakikita ko, pero sa practice naman masyado lang gentle yung galawan so baka hindi naman yun katulad ng iniisip ko, although baka hindi naman mapanuod ni Hoseok yun dahil susunod lang siya sa venue pero kahit na, nakakailang parin yun,

10 am na ng makarating kami sa bahay,

Ilang saglit lang ay dumating na din sila Jin at maging ang kotse nila Yoongi,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon