TAKIP SILIM

4 0 0
                                        

"Hoy cali panget!" tawag sakin ng isang bata at agad hinablot ang laruan ko.

"Eli,ibalik mo na ang laruan ko. Isusumbong kita kay mommy hmp!" Ani ko sabay irap sa kalaro ko na may matataba at mapupulang pisngi. Agad siyang tumakbo ng mabilis upang hindi ko makuha ang aking laruan.

"Panget, habulin mo ako!" Aniya. Kaya't kaagad ko siyang hinabol ngunit bigla akong nadapa.Naramdaman ko ang hapdi saaking tuhod at agad na namuo ang aking mga luha. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si eli na tumatawa dahil sa pagkakadapa ko.

"Aba't may gana ka pang tumawa?Kasalanan mo to'!" Ani ko habang ang aking inis ay umaapaw na dahil sa kaniya.Imbes na daluhan ako at tulungan ay talagang tumawa pa siya.

"Ahhh lampa!Panget na nga lampa pa!" Sabi ni Eli. Dahil sa sobrang inis ay agad akong nagmartsa paalis ng palaruan sa aming village. Hindi ko alintana ang hapdi saaking tuhod dahil ang tanging nasa isip ko ay umalis sa lugar na iyon.

Kasabay ng paglalakad ko pauwi ay ang pagtulo ng aking mga luha.
"Anak napano ka ha? Sinong may gawa niyan sayo!? Inaway ka ba nila?" Nag-aalalang tanong saakin ni Mommy Aly.

"W-wala po, nakipag habulan lang po ako kay eli at nadapa ako kaya ako umiyak." naiiyak kong sagot sa aking ina. "Nag-away na naman ba kayo!?Hay nako kayo talagang mga bata kayo,mag bati na kayo okay? I'll call his mom later at iimbitahan ko sila for dinner,okay?" sabi ni mommy kaya't tumango na lang ako bilang sagot.

Agad dumating ang pamilya nina Elizer,kasama niya ang magulang niyang sina Tita Emily at si Tito Gaiser. Lumapit saakin si Tita Emily upang halikan ako sa pisngi at tango naman ang natanggap ko bilang pagbati galing kay Tito.

Habang kumakain kami ng tahimik sa hapag ay napagdesisyunan nila na paalisin muna kami ni Eli sa hapag at maglaro muna. Kaya't lumabas kaming dalawa ng tahimik patungo sa pool area kung nasaan ang mini tent ko na puno ng iba't-ibang mga palamuti at ilaw.

"Uhh..ikaw ang nagdesign nito Cali?" Binasag ni Eli ang katahimikan sa pagtatanong nito saakin. Tinanguan ko naman siya bilang sagot sa kaniyang tanong.

Pumasok kami at agad akong napabaling kay Eli dahil tahimik siya at tila may gustong sabihin saakin. Pinaglalaruan niya ang mga mumunting ilaw na nakapalibot sa tent.

"Uhm Cali,ano..sorry nga pala kanina dahil tinawanan pa kita imbes na tulungan." Aniya at agad nagpunas ng kanyang luha.
"Okay lang yun,ang mahalaga ay humingi ka na ng tawad." sabi ko naman at agad siyang nilapitan upang aluin at patahanin.

"Ano bang pwede kong gawin upang makabawi saiyo?" Tanong niya gamit ang malulungkot na mga mata.
"Hmmm..pwede ba huwag na tayo masyado mag-away at maging magkaibigan habang buhay?" sabi ko naman sa kanya na may halong galak.

"Oo naman,mula ngayon LiLi forever!!" Ani Eli. Hindi ko agad nakuha ang kaniyang sinabi kaya tiningnan ko siya gamit ang mga matang mapagtanong.
"HAHAHA LiLi ibig sabihin Cali at Eli! Ano ba naman yan!" Sabi niya habang tumatawa at hindi ko na din napigilan ang masiglang pag tango at pagtawa kasabay niya.

Kinuha niya ang kamay ko at pinagdikit ang aming mga hinliliit kasabay nito ang pag sigaw niya ng "LiLi Forever!" .

***

"Grabe pala Elizer kailangan muna natin mag-away bago maging magkaibigan habang buhay!" Natatawa kong sabi kay Elizer na nakatayo sa harapan ko suot ang uniporme namin dito sa La Monte University.

Nilapag niya ang pagkain naming dalawa sa nakagawian naming pwesto dito sa canteen. Habang kumakain ay pinagmamasdan ko ang mga pagbabago sa aking matalik na kaibigan.Mula sa matatabang mga pisngi ay naging isang perpektong panga,mayroon siyang matangos na ilong at makurbang labi.Mayroon din siyang magulo at kulay brown na buhok,higit sa lahat ay ang kanyang kulay abong mapupungay na mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TakipsilimWhere stories live. Discover now