Her Side

67 1 2
                                    

                                                           Her Side

June 23

I saw him in the crowd today.. Grabe!

Ang gwapo ng crush ko!!

Ano kaya ang pangalan niya?

Di bale nalang.. hindi rin naman niya ako mapapansin.

Sa mala-Betty la Fea kong anyo at baduy na pananamit, walang chansang tumingin ang isang anghel sa isang Jenevieve Cordera Sampangit kahit isang segundo man lang.

Wala talaga. :[

July 15

Kasali pala sya sa basketball team ng school namin.

Number 9 - Sendong.

HAH !! Ampangit naman ng apilyedo niya..

Bagyong bagyo ang dating..

Pero, payts pa rin.

Nakakabaha naman ng saya ang kanyang maaliwalas na mukha.

Ang galeeeng naman niyang maglaro..

Nag enjoy akong panoorin sya.. :''''''>

August 2

Sinasadya ko talagang dumaan sa basketball court pag uwi ko para makita ko si Mr.... Uy! Walang print yung shirt.

Tsk! Anu ulit yung pangalan niya?

Milenyo... Ondoy.... Ewan!!

Maalala ko rin yun pag susuotin niya next time..

December 22

Christmas Party namin.

Maraming girls ang nagbigay sa kanya ng regalo..

Ibinigay ko rin sa kanya yung matagal ko ng ginawa..

Kukuripas na sana ako ng takbo nang bigla niya akong tinawag..

" Miss! "

Lumingon ako at nagtanong..

" A-ako? "

" Oo " sabi niya sabay ngiti.

Binuksan niya ang gift bag at itinaas ang T shirt na binurdahan ko ng " Sendong - You're the Man "..

" Para sa'kin to? " tanong niya.

Nahiya ako nang pinagtawanan ng kanyang mga kaibigan ang aking munting regalo..

Nakita ko ang kanyang mukha.. parang naiilang na nandidiri.

Hindi na ako sumagot at tumakbo na talaga!

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta mapalayo lang ako sa lalaking 'yun na hindi marunong mag appreciate.

March 26

Graduation Day.

 Kinakabahan akong magsalita sa harap ng lahat ng aking mga schoolmates.. lalo na't alam kong nasa harapan ko ang bagyong nagwasak saking mundo.. Sendong.

Pero, kailangan.

" ... I offer this success to our Almighty God and to my beloved family who inspire me to become a strong individual. To all my fellow students, teachers, parents, visitors, ladies and gentlemen, a good day! "

Hay! Natapos ko rin ang Valedictory Address ko.

Bahala na'ng hindi kami magkita ulet ng mokong na'yon. Bahala siya sa buhay niya! 

Pagkalipas ng limang taon

January 4 

Busy na busy ang show ko ngayon.. May project kaming gagawin sa Children's Basketball Association.. Hmm..

Naalala ko tuloy yung Sendong na yon! hmp!! >((

February 13

 Valentines Day na pala bukas.. Tinutukso na naman ako ng mga employees ko

" Maam, may date na ho ba kayo? Nabalitaan po kasi naming wala kang boyfriend ever since.. "

" Hay, naku! Bahala na'ng tatandang walang asawa kesa MAGHINTAY SA ISANG TAONG ALAM MONG WALA KAYONG PAG-ASA AT HINDI RIN SIYA MARUNONG MAG APPRECIATE NANG MGA EFFORTS NA TALAGANG PINAGPAGURAN MO !!! " nabigla ako sa aking sinabi..

" Maam, okay lang po kayo? " tanong ng isa na mukhang nag-alala.

" Hah? Okay lang ako. Back to work. Day Off kayo bukas. " sabi ko habang papunta sa aking office.

Hay naku... Chill Jenevieve... matagal na 'yun. Masaya ang buhay na walang lalaking walang kwenta. :)

February 14

Hay... Kakainggit naman ng mga kaklase ko..

Maglakad lakad nalang ako...

.....

Ewan ko ba kung anong meron at bakit napadpad ako sa basketball court ng paaralan namin noong highschool. 

Oh no!! Baka makita ko ang bagyo!!

Lalayo na sana ako nang may humawak saking kamay..

...si Sendong kaya ito?...

Lumingon ako at nagulat..

" Ikaw pala yan Manong! Janitor pa rin kayo dito? " tanong ko.

" May gustong makipag usap sayo " sabi ng mama at umalis.

Natulala ako sa kanyang sinabi at tinanong ang aking sarili..

"...sino kaya? "

" Hi! " 

... narinig kong malamig na boses.. HAH! Hindi maaari.. Boses ni...

" Sendong! Ikaw pala yan! " sabi ko habang tinatago ang kaba at hiya..

Hinawak niya ang aking kamay at ipinabasa sa'kin ang journal niya at ipinakita niya ang Tshirt na binigay ko sa kanya..

Napaiyak ako nang malaman ko ang totoo... Mahal pala ako na'ng tarantadong 'to.

Inabot niya ang kanyang kamay sabing..

" Hi, I'm Giovanni. Just call me Gev. Are you free now? "

:'''''''''> 

I took his hand and smiled at him.

Their StoryWhere stories live. Discover now