Ngayon na lang ako ulit nakapagupdate sa dinadami ng mga nangyari sa akin. Kamusta na kaya kayo? Kamusta na ang mga kaibigan ko rito at ang mga naging kaibigan ko? Wala na rin akong masyadong koneksyon ng dahil sa pagiging abala sa paraalan at iba pa. Miss ko na rin kayo. Ang drama lang e 'no? Makapagsimula na ngang magkwento dahil wala akong magawa ngayon.
Noong mga nakaraang buwan bigla ko na lamang naramdaman ang paglayo ng mga tao sa paligid ko. Para bang may ekis lahat ng mga ito. Siguro dahil hindi ko pa rin matanggap ang realidad sa henerasyon natin ngayon? Dahil siguro nagiistay pa rin ako sa mga tradisyon noon? Sa pagiging conservative and stuffs. I don't really know. Minsan naiisip ko na magisa na lang ako, wala akong makausap sa kung anong problema ang tinatahak ko? Eto nga lang ang nakakainis sa akin kasi sinanay ang sarili ko na may kasama ako at mayroong karamay.
Naaksidente rin ako kailan lang. Nahulog ako sa sinasakyan ko ng hindi ko alam ang dahilan dahil hindi ko na maalala. Dalawang araw akong tulog at pagkagising ko wala raw akong maalala. Hindi ko raw maalala ang tunay kong pangalan, saan ang aking paaralan at kung ano pa ngunit 'di naglaon nakaalala na rin ako. Dapat magkakaroon ako ng surgery kaso hindi na rin natuloy dahil nagstop naman ang pagdudugo ng ulo ko, parang nabagok daw e. Wala akong alam at maalala sa mga nangyari.
Nagpapasalamat nga ako dahil parang pangalawang buhay ko na rin ito pero may naidulot ito na sakit na maaaring mag occur ka agad at magcause ng death. Magkaka 50/50 gano'n gano'n.
Ayon lang ata? Osige, sa susunod ulit.
