Kabanata 6

77 89 5
                                    

Nasa classroom na kami at hinihintay si sir nicholas habang ako ay nakatingin lamang sa kawalan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit umiyak nalamang ako ng ganoon,hindi naman kami matagal na magkasama ni baste pero parang feeling ko sobrang tagal na.

Sandali pa ay pumasok narin sina baste ngunit hindi nito kasama ang babaeng may ari ng abong kotse na benita pala ang ngalan.Tumingin sya saakin ngunit umiwas naman ako kaagad ng tingin.

"Good morning class"nangibabaw ang tinig ni sir nicholas at tumayo naman lahat."Good morning sir nicholas"

"Ok so mamaya lang ay papasok na dito yung exchange student,sana ay maging close kayong lahat sakanya"nakangiting sabi ni sir ngunit tulala lang ako at hindi na nagpakita ng interes.

Ilang sandali pa ay pinipilit kong hindi mapabaling ng tingin kay baste.

"Oh nandiyan kana pala"sabi ni sir at may pumasok naman na isang babae sa loob ng room namin

Si benita

Huwatt!dont tell me na sya yung exchange student!i kennat!i kennat!.

"Class sya si benita sandoval ang bagong classmate nyo"pagpapakilala ni sir sakanya ngunit gulat naman akong napatitig sya habang napalingon din ako ng tingin kay baste na syang nakangiti na ngayon habang nakatingin kay benita.

"Hi i'm benita sandoval 18 years of age and i am a educ student major in english from College of education in University of San luis"pagpapakilala nya at napangiti naman sya pero nagtama ang tingin namin sa isa't isa na syang ikinagulat naming dalawa.

"Maari ka nang umupo sa tabi ni baste"sabi ni sir nicholas kay benita at itinuro nya sina baste na syang may bakante pang upuan.

Hindi parin kami kumawala ng tingin ni benita sa isa't isa,ngunit normal lang naman na pagtataka ang tingin ko sakanya bagama't nagliliyab naman ang mga mata nya saakin.

"Akala ko ba ok kana?"sabi ni serina saakin.

"Akala ko din eh"malungkot na tugong sabi ko.

Dear SebastianWhere stories live. Discover now