𝗧𝗵𝗲 𝗟𝗼𝘀𝘁 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀
© All Rights Reserved 2017
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime and is punishable by law. Do not reproduce, copy, or distribute this work in any form, including digital or print.
Content Warning: This story contains mature themes and strong language that reflect the emotions and realities of the characters. Reader discretion is advised.
Genre: Fantasy
Read at your own risk.
__________________________________________
𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘
Written by Kimi Writes
3𝗥𝗗 𝗣𝗢𝗩
Nauubos na ang huling hininga ng aking panahon... kailangang wakasan ang buhay ng babaeng tinadhana ng propesiya. Kung hindi, magaganap na ang aking kinakatakutan— mauubos ang lipin naming mga Darkenians...
Napatingin ako sa nabasag na baso ng pulang bino sa kamay ko.
Ni kahit isang sentimo'y hindi ako makakapayag sa gusto ng propesiya!
─────୨ৎ─────୨ৎ──────୨ৎ─────
Napadaan ako sa isang makipot na iskinita sa aming lugar. Agad kong naramdaman ang mga matang nakatutok sa akin, habang sa magkabilang gilid ay may mga lalaking abala sa pag-inom ng alak.
Mukhang may binabalak na naman sila, parang mga asong gutom na walang ibang libangan kun'di manggulo... kung bigyan ko kaya ng leksyon ang mga ito?
"Hoy, babae!" sigaw sa akin ng isa sa mga nag-iinuman. Hindi ko na lang sila binigyan-pansin.
Nagkunwari na lang akong walang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Hinarang ako ng isa nilang kasamahan. "Miss? Hindi pa kami nagsasaya, aalis ka na kaagad?"
"Halika rito, samahan mo kami uminom!" hirit pa ng isa.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko nang sobrang higpit.
"Ikaw... shhh! 'Wag... ka... munang umalissshhh... 'di paaa tayoo tapossshh," bulagta niyang saad, lasing na lasing.
Halata mo rito na marami nang nainom at wala na sa katinuan. Lalapit na sana siya sa akin nang magsalita ako.
"Huwag kang lalapit," malamig kong sambit, halos walang emosyon, pero may tagong babala.
Papalapit na sana siya nang bigla kong maramdaman ang malakas na enerhiya na pumapalibot sa akin. Ramdam ko rin ang unti-unting pagbabago ng kulay ng mga mata ko.
Argh! 'Wag ngayon!
"H-halimaw!"
Bago pa man siya makasuntok, nahuli ko na ang kanyang kamay. Sa isang iglap, pinilipit ko ito, dahilan para mapaigik siya sa sakit. Sumunod ang isa pa, pero mabilis ko siyang sinalubong ng sunod-sunod na sipa hanggang sa bumagsak siya sa semento.
Natigilan naman ang isang lalaki at nakatingin lang sa kawalan habang pinapanood kung paano ko pinuruhan ang mga kasamahan niya. Tiningnan ko siya nang matalim, nanlilisik ang mga mata.
Napalunok naman ito. Bakas sa katawan niya ang panginginig sa takot. Bigla na lang siya napaupo, waring nawalan ng lakas at nanghina. Unti-onti naman akong naglakad papalapit sa kanya.
"H-halimawww! E-engkanto!" Iindak niya habang umaatras sa akin.
Mabuti na lamang at madaling araw. Tahimik ang eskinita, at tanging mga nag-iinuman lang ang narito, kaya wala akong kailangang alalahanin.
Umangat ang isang sulok ng labi ko. "Hindi ako halimaw o engkanto, kahit tao. Hindi lang ako ordinaryo... gaya n'yong mga tao,"
"May sampung segundo kayong tumakbo bago ako mawalan ng pasensya... kapag hindi pa kayo nakalayo, 'di na kayo sisikatan pa ng araw." matigas kong banta, dahilan para magtakbuhan silang parang mga daga.
Napailing ako at napasulyap sa relo ko. Lagot na naman ako kay Inang Tamara.
__________________________________________________________________________________
The Lost Princess. Prologue. Fantasy.
YOU ARE READING
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
