Chapter 2

8.6K 132 1
                                    

"Ashley, you...." he heaved a deep sigh before seriously looking at her. "You don't need to go there."

"Dark naman. You already agreed on this!" naiiritang wika ng kausap niyang busy sa paglalagay ng pulbo sa mukha.

"I just agreed because you didn't tell me that it was the birthday of the bastard's sister!"

"Don't adress him like that. He didn't know."

"Will you be okay?"

Natigilan si Ashley. Tinimbang muna ang isasagot. Bago marahan na tumango.

"Okay. I'll go with you."

"But Dark!"

"No buts. I'm going with you."

Wala nang nagawa si Ashley. Siguro'y nanosebleed na dahil sa usapan nila. Charot.

Gusto lamang naman ni Dark na hindi na uli umiyak si Ashley dahil lamang sa isang lalaking niligtas niya sa pagtatangkang pagpapakamatay. He didn't know that he could affect her that much. Inakala niyang walang nararamdaman ang dalaga sa walang kwentang lalaking iyon.

First time pumunta ni Dark sa isang party na hindi naman talaga siya imbitado. Things he does for her.

Hindi niya inaasahang makikita niya ang kapatid doon. Naisip na lamang niya na hindi na muli siya pupunta sa isang handaan na hindi niya alam kung sino ang mga dadalo. Mahirap na, baka may kung ano siyang magawa sa bisita.

He was busy staring at Ashley habang sumusulyap sulyap naman ang dalaga kay Joseph nang bigla na lamang may umupong babae sa kaniyang tabi.

"So your name is Dark, huh?"

.....................................

"What are you looking at?" bigla nalang kinausap ni Joseph si Amber habang busy ito sa paglilipat lipat ng tingin sa mga tao.

Napatingin ito sa kaniya. "Ah, ang gulo po kasi ng mga love story nyo e," tapos sumubo uli siya.

"Huh? Why are you including me?" takang tanong ni Joseph na akala'y nakatitig lamang ang dalaga sa kapatid ni Raiko.

"Kasi si Dark, nakatitig kay miss Ashley. Tapos si miss Ashley naman, sumusulyap-sulyap sayo. Tapos ikaw naman, ang sama ng tingin kina miss Aira at Raiko."

Halatang nagulat si Joseph sa naging observation ni Amber sa kanila. Para bang kanina pa sila nitong pinagmamasdan isa-isa.

"Hay sana ako rin may tinitingnan," natatawang dagdag ng dalaga.

"Tumingin ka kay Jung. Sya nalang ang available e," sabi ni Joseph. Inakala ni Amber na nagbibiro lamang ito kaya kunwaring sumakay siya sa usapan.

"Sinong Jung po ba? Si Dark o si Raiko? Kasi pareho naman silang nakatingin na sa iba e," tumawa pa uli siya.

"Palatawa ka noh?"

"Hindi po, hindi po. Kaya nga ako tumatawa ngayon, kasi hindi ako palatawa," pilosopong sabi niya. "Biro lang, sir Blood."

Napailing si Joseph sa dalaga.

And then suddenly, in Amber's peripheral vision, she saw how Aira was looking at them with eyebrows creased.

"Pero dapat nga pinasasalamatan mo ako ngayon e," sabi niya.

"Bakit?"

"Kasi hindi na masama ang pagtingin mo ngayon sa kanila," sagot nito. "At ngayon, mukhang sayo na nakatingin si miss Aira," sabi nito sabay kindat.

Napatingin naman si Joseph kay Airalene at nakitang nakatingin na nga siya rito. May kinukwento sa kanya si Jung pero she doesn't seem interested. Kunot lang ang noo nitong pinagmamasdan silang dalawa.

"Paano ba yan, sir Blood, maiwan na kita ah? May kakausapin lang ako."

Tumingin si Joseph sa kaniya. "Thank you," he sincerely said while smiling genuinely.

She just smiled back and continued walking.

Hindi naman niya inasahan kung saan siya dinala ng kaniyang mga paa.

Napaupo siya nang wala sa oras. Ni hindi nga niya alam kung bakit sa lahat ng mapupuntahan niya ay sa tabi pa ni Dark. Hindi rin niya alam kung bakit siya umupo.

"So your name is Dark, huh?" bigla niyang sabi na ikinagulat nilang dalawa.

Oo. Siya ang nagsalita pero nagulat din siya. Parang shunga lang diba?

Nakita naman niyang tumayo si Ashley.

"Where are you going?" pigil agad ni Dark dito.

Nginitian siya ni Ashley. "I'm just going to look for a comfort room. I'll be back."

"Sasamahan na----"

Tatayo na dapat si Dark pero pinigilan siya ni Ashley. "I told you that I'll use the comfort room, diba? Anong sasama ang sinasabi mo riyan?" tanong nito sabay lipat ng tingin kay Amber na kanina pang pinagmamasdan ang bawat galaw nilang dalawa. "And someone's talking to you. Don't be rude by leaving her behind. Man up, Dark!"

Umalis na ang dalaga na medyo may malungkot na ngiti.

"So she left because she saw 'em," bigla na namang nagsalita si Amber kaya napatingin sa kaniya si Dark.

She was actually pertaining to Joseph and Aira. It seems like nakita sila nito kaya napilitan siyang umalis.

"What do you mean?"

"If I were you, I'd go home na."

"I can't. I'm still waiting for someone."

Umiling lamang si Amber sabay titig nito sa mata ng binata. He has those dark eyes, just like his name.

Wala mang maintindihan, nakipagtitigan si Dark sa dalaga. Napansin nito ang mala-amber nitong mga mata. He didn't know but he find her eyes a lil attractive. Yung mata nga lang, hindi siya.

"Then stop. Stop waiting for her."

Napalunok si Dark. He didn't know what to reply with her statement. Hindi niya maintindihan ang babae. Hindi naman siya nito kilala. "Who are you?" he asked her instead.

Napangiti si Amber na para bang nakuha na niya ang kaniyang gusto. She wants the guy to be curious with her too.

"I'm------"

"Amber! Kanina pa kita------" natigilan si Raiko. "Oh."

Hindi pinansin ng dalaga ang kaibigan. Instead she smiled widely at Dark. "I'm Amber. It's a pleasure to finally meet you. I'll see you again, kadiliman!"

Umalis na ito kasama ang kapatid niya. Napatulala lamang si Dark.

'Ugh! Sino siya?' irritated na pag-iisip ni Dark. 'One thing's for sure. She has a connection with my brother. What does she want from me?'

"Uy! Asan na yung babae?" tanong ni Ashley na nagpatigil sa kaniyang pag-iisip.

"Sinundo na ng kaibigan niya."

"Ikaw ha," may panunuksong tinig ni Ashley. "Ganon pala ang mga tipo mo. Dancer!"

"What?" nakakunot ang noong tanong nito. "You know her?"

"Of course. She's quite famous in school," sabi nito. "Akala mo ikaw lang nakakakilala sa kaniya? Ganon?"

"No," mahinang sambit ni Dark. "I thought I'm not the only one who finds her mysterious."

Sa isang banda......

"So how's your talk with him?"

"Okay sana kung hindi ka agad dumating," Amber said then glared at Raiko.

"Hey, I didn't know!"

"Sure," Amber sarcastically said. "I still have more time to talk to him anyway."

Playing with the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now