One Shot

10 0 0
                                        

Sino ka? Nasan kana?

Ngayun naririto ako sa entablado upang ibahagi sa inyo
Ang tulang gagawin ko ay para sayo
at magsisimula ito sa Sino ka at Nasan kana

Sino kaba para maging ganito ako
Sino kaba para hanap-hanapin ka nito
Sino ka para ipadama sakin yung bagay na di mawala-wala sa puso ko

Hindi ka naman kilala pero palagi kang inaalala
Me hindi ko alam ang pangalan mo at ang unang letra nito
Pero bakit ganito nalang kalakas ang epekto ko sayo
Hindi ka naman drugs para maging adek ako sa itsura mo
Pero daig mo pa ang keso de bola, na hinahap-hanap tuwing pasko

Maliit lang naman ang pinagsamahan pero halos magsumpaan na walang iwanan
Hindi naman nagkaaminan at nagligawan pero para lang naging tayo
Nagbigayan lang naman ng rosas at nag-ngitian, sapat nayun para mapakilig mo ako

Alam kung parang tanga lang pero sisihin mo si kupido na siyang pumana sa puso ko
Nabaliw na baliw sayo upang oras-oras na nandidito ka sa utak ko
Daig ko pa ang tumama sa lotto pag ikaw ang iniisip ko
Kahit sobrang layo mo sa buhay ko
Na kailangan pang tawirin ang sanjuanico bridge para lang dumikit sayo

Pero sigurado bang nandodon ka o baka wala na
Nasan kana aking sinta, makitkita ko paba ang tulad mo
O sapat na yung ilang linggo na pinagsamahan upang mabigo
Na tayoy hanggang don lang at dina madadagdagan
Nasan kana lalaking pinangiti ako
Nasan kana lalaking pinakilig ako sa panahong manhid na manhid ako
Nasan kana mahal ko.

pagkatapos kung ibigkas ang mga linyang yan ay sabay naman tumulo ang luha ko. "Woohhh ang galing mo Azi!!" sigaw ng mga kaklase ko habang pumapalakpak.

Napangiti naman ako sa mga reaksyon nila dahil nakikita sa mga mata nila na dama nila ang tula ko. "Napaka-galing Ms.Sida. Talagang nakakahanga ang gawa mo, tagos!" bilib na sabi sakin ni ma'am dahilan para akoy mapangiti "pero hindi naman sa nanhihimasok ako sa buhay mo ngunit yang tulang ginawa mo, parte bayan ng buhay mo?" naiilang na sabi niya. Napahinto naman ako sa tanong niya ngunit bumalik rin naman agad ang diwa ko.

Ngumiti ako ng may lungkot sa aking mga mata "sa totoo lang po..." tiningnan ko muna yung mga kaklase ko at nakitang hinihintay ang sagot. "Opo hehe.." bahagyang nagulat naman silang lahat sa sagot ko.

"Omagashhhhhh! ano kaya ang pakiramdam ng ganon?" " I can't believe this. May ganito palang drama ang mundo" "sino kaya si fafa?" "Ang sakit non!!" "Tsk tadhana nga naman!" "Hayss! Future boyfie ni Azira, Asan kana!!??" "Watta a broken poem!" "Pagmamahal nga naman oh!" "Kaya maganda maging bitter eh hahaha" "Sige lovelife pa! Ano? WASAK!! Huhuhu!" "Yoko na sa Eaaarrtthh!!" yan ang bulungan nila at hinayaan ko naman.

*Kriiiiiinggghh! kriiiiiinnngg! Krrrriiinngg!*

nagulat naman ako sa tunog ng bill "oky class sa totoo lang napapabilib niyo ako. Lahat kayo ay mayroong magandang presentasyon. At dahil jan mabibilib rin kayo sa mga score na ibibigay ko sa inyo" sabay na ngiti ni ma'am sakin. Napatungo nalang ako at napangiti rin "Woooohhhhh!!" sigawan ng mga kaklase ko sa nalamang lathala ni ma'am "oky class dismiss. Enjoy your weekend" ngiting sabi ni ma'am "Paalam na po at maraming salamat po Bb. Hermoza!" sabay naming sabi at nagsilabasan naman ang bawat isa.

Kinuha ko naman ang bag ko at isinalumpak ang earphones ko sa aking tenga. Lumabas na ako sa silid namin.

Ako nga pala si Azira Sida a.k.a Azi. Labing-anim na taong gulang. Simple lang akung dalaga. Hindi kagandahan at hindi rin kapangitan, cute lang haha! Nasa ika-sampong baitang na ako ngunit hinding-hindi ko parin makakalimutan ang nangyari sa akin noong Ika-tatlong  baitang pa lamang ako.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Nov 30, 2018 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Hanggang dito nalang ba?Bağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin