Simula Pa Nung Una

36 3 3
                                        

"Simula pa nung una" 'By:Patch Quiwa'  <----- [Play If available]


          Nagising akong may ngiti sa mga labi, dahil ang ganda ng panaginip ko...  woww napaniginipan ko kasi nakita ko na raw yung taong mahal ko nakita ko naman na daw talaga kaso di ko lang pansin o ang manhid ko lang raw talaga.... ah basta ganon nangayari sa panaginip ko kaso di ko nakita yung mukha nang lalaki.....


"Oh? ano bes? gising kana pero nanaginip ka parin?". Nagulat ako nung may nagsalita, at dun ko lang din napansin na tulo laway ako habang ngiting-ngiti na iniisip yung panaginip ko.

"Uy... ano ba naman yan bes ang aga-aga tapos andito ka, di ka manlang kumatok." . Iniba ko nalang yung usapan namin, baka magtanong pa sya kung ano iniisip ko... at pagtatawanan lang nya ako....

"Ang galinggg..... bes baka nakakalimutan mo Friendsary natin ngayon  kaya maaga ako at ikaw tumayo kana diyan dahil may pupuntahan pa tayo..."

Naku oo nga pala Friendsary namin ngayon..... pano ko kaya nakalimutan yunn hayyy naku naman...

"Hayyy Oo na, mag-aayos lang ako...". San ba kasi kami pupunta sa ganitong oras?

Natapos na akong mag-ayos lumabas ako sa kwarto ko at bumaba, nakita ko si Ethan na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng telebisyon.

"Lalaine tara na". Pagmamadali nyang tawag sakin.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Fast Forward*

         Biglang tumigil ang sasakyan ni Ethan sa tabing dagat ....at huhhhh sa ganitong oras nasa tabing dagat kami...

"Teka Ethan 4:50 am palang ba't andito tayo huh?...". Nagtataka kung tanong.

"Kasi naman bes minadali kita ditong pumunta para ngayong ika-3 taon nating magkaibigan gusto ko muna makita umangat yung araw bago tayo mag-celebrate...". Bakit naman kaya gusto nyang makita umangat si haring araw? ano to anniversary para romantic?...

"Ok sige". Yun nalang ang nasabi ko kasi wala din naman akong magagawa, tutal andito naman na kami.

"Bes pano pag nalaman mong mahal ka pala nang bestfriend mo??.  Ang ibig kong sabihin... halimbawa lang naman...". Napakamot nalang ako ng ulo ko.

"Eh ikaw mo na... pa no rin kaya kung mahal ka din pala ng bestfriend mo... halimbawa lang din naman.". Binalik ko yung tanong nya sakanya kasi di ako makasagot.

"A-ahm ano... eh ok lang...". Ano tong nararamdaman ko bakit may kumakabog sa puso kong to pero di pwede kasi magkaibigan kami...

"Ayaw ko na nang paligoy-ligoy bes, sasabihin ko na talaga yung totoong nararamdaman ko di ko na kaya". May sasabihin din sana ako pero gusto kung sya muna mauna para marinig ko yung sasabihin nya...

"Lalaine May Vergara tatapatin na kita, Simula pa nung una may nararamdaman na talaga ako sayo kaso pinilit kung pigilan tong nararamdam ko dahil magkaibigan tayo..."

"Oo nahh Ethan Mark Valeriano mahal din kita kahit noon may mahal ka pang iba at alam kung di ako yun, na magkaibigan lang tayo na kahit di na umabot pa na magka-ibigan at oo tanggap ko noon na hanggang magkaibigan lang ta.la.ga tayo!.". Bigla nalang may mga luhang tumulo sa gilid ng mga mata ko habang sinasambit yung mga katagang yun.

"Simula pa nung una mahal kita, wala akong iba dahil ikaw lang sapat na!..". May mga luha narin na tumulo galing sa mga mata nya...

"Mahal kita!!". Naiiyak kung sabi...

"Oo tama na mahal din kita simula pa nung una."

At niyakap nya ako ng mahigpit sabay yakap ko rin sakanya ng mahigpit....Kasabay ng pag-angat ng araw...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagdaan ang mga panahon... Masaya silang nagsama, minahal pa lalo nila ang isa't-isa at kahit  na marami pang problema ang dumating kinakaya nila hanggat kaya...

Ang Dating Magkaibigan ay pwedeng Magka-ibigan...


Wakas

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Simula Pa Nung UnaStories to obsess over. Discover now