Prologue

11 2 0
                                        



"At ang consistent top 1 with a GWA of 98.4—Primo Valenzuela!" masiglang anunsyo ng adviser namin habang ang buong klase ay nagpalakpakan except sa akin na nakatitig lang sa medal at certificate na nasa lamesa. As expected, walang kahit anong violent reaction at kung ano pa mula sa mga kaklase ko dahil panigurado tulad ko ay na-predict na nila kung sino ang number 1.

Kalmadong naglakad si Primo papunta sa harap ng klase. Wearing his usual confident smirk, inabot niya ang certificate at may kalakip pang gold medal. Sighs, when am I going to have that gold medal?

"Keep up the good work Mr. Valenzuela! You're the pride of your section," papuri ng adviser namin sa kanya. Dahil doon, mas lumapad ang ngiti ni Primo sa narinig niyang papuri, "Thank you, sir. I will never disappoint you all at mas pagbubutihan ko pa ang pag-aaral ko," aniya sabay kindat na siyang nagpa-ingay sa buong klase, lalo na sa mga babae.

"Kinindatan nya ako!"

"Napuwing lang si Primo, wag kang assumera!"

"Inggit ka lang! Mukha ka kasing butiki!"

"Primooo! Turuan mo ako sa Calculus~"

Hindi ko maiwasang mairita sa kaingayan ng mga kaklase ko, lalo na sa mga babae. Jusko! Walang araw na wala akong naririnig na tilian na parang sinapian ng kulto kapag nasa paligid ko si Primo. Pakiramdam ko tinubuan na ako ng allergy sa mga tilian. Tinakpan ko nalang yung tenga ko. Bwisit na Primo, kasalanan niya kapag ako nabingi sa tilian netong mga haliparot na 'to!

Kalaunan ay umupo na si Primo. Hindi padin mawala sa mukha niya yung ngiti niyang masarap burahin ng eraser na madaming chalk para tumigil na siya. Naiirita na talaga ako kanina pa.

Kasagsagan ng discussion nang biglang may humagis sakin na papel. Hindi yon pasin ng teacher namin dahil nakatalikod siya sa direksyon namin. At expected ko na kung kanino 'to galing. Ugh.

Binuklat ko ang papel at binasa ko ang nasa loob:

2nd? So low! Your parents will gonna hate you more~

***

"Wala na bang itataas 'to?"

I smiled as I remembered what my father asked me: a higher than Primo's. I almost surpassed his grades. Nandoon na ako sa point na matataasan ko na siya pero dahil sa pesteng point 3 na agwat, top 2 lang ulit ako.

And now, it's day 987654321 and I haven't surpassed Primo Valenzuela. I'm still the second in everything. Everything when it comes on me and Primo's competition. Hell knows how much I despise that dude since before. No matter how intelligent and handsome he is—I will never ever give a damn about him. Siya lang ang  tinik kung bakit hindi ko magawang makuha ang atensyon ng mga magulang ko sa akin.

'Your parents will gonna hate you more~'

Naririnig ko ang boses niya na sinasabi ang mga yon habang tumatawa. Nanggigil ako sa galit. Siya masaya at ako hindi? Hindi naman yata pwedeng siya lang ang malungkot dito.

At nagring ang cellphone ko. Unknown number nanaman. Sinagot ko iyon at hindi ko inaasan ang tatawag sa akin.

"Still awake?"

"Fuck it. Kanino mo nakuha ang number ko?" Bulyaw ko sa kabilang linya. T

"Chill! Where did you learned to curse? Akala ko pa naman masunurin ka?" Ani Primo sa kabilang linya na tila nanunuya at tumawa nang maligalig, "I have my connections. Great right?"

"I don't care about your bullshit, Primo Valenzuela," galit kong sagot sa kanya at parang natutuwa pa siya dahil tinawanan lang niya ako. He's getting in my nerves now, "Mapapatay din kita, hintayin mo lang."

"Aww, where's the sweet Harith that I know?"

"She's dead," seryoso kong sagot. Pinipigilan ko ang sarili kong sana hindi ko madurog ang cellphone na hawak ko sa sobrang galit. Pakiramdam ko anytime sasabog ako pero pinipiglan ko lang. I will never be weak in front of him.

"Oh? If she's dead then who's this—"

"Listen Primo," sambit ko nang seryoso habang nakatingin sa kawalan, "Suck all the victory, cherish it. Ibabalik kita sa kung saan ka nararapat—sa basurahan." Huli kong sabi at pinatay na ang tawag.

Ilang tawag at text din ang iniiwan niya na puro pawang panlalait at kung anu-ano pa. Sa sobrang gigil ko, naibago ko ang cellphone at napasigaw sa inis.

Those victorious smile, confidence and the attention that he's enjoying right now—it's just a temporary feast.

****

Primo means Prime/Primary or First.

THANK YOU FOR READING!

ToxicStories to obsess over. Discover now