42

324 11 4
                                    

Saturday ngayon at grand opening na ng cafe ni Nicomaine.
Papunta na daw doon ang mga kaibigan namin, isang sasakyan lang ang gamit nila kaya sabay sabay sila.

Ako naman ay kakarating lang dito sa unit ni Nicomaine dahil susunduin ko siya, kami naman ang sabay na pupunta sa cafe niya.

*bzzzt bzzzt*

Nagbuzz na ako sa unit niya at pagkatapos ng ilang sandali ay nagbukas na ang pinto at bumungad saakin ang napakagandang si Nicomaine.

"Wow, you look so beautiful " yun ang unang nasabi ko nang makita ko siya

"Well, hello there too Maxence" sabi nito at may kasama pang pagtawa. "Thank you" pahabol niya pa at nagtungo na kami sa sasakyan.

Doon ko iniabot ang bulaklak na dala ko para sakanya.

Nagpasalamat naman ito.

Nagtungo na kami sa cafe niya dahil malapit nang magsimula at madami pa siyang kailangan icheck.

Kung nagtataka kayo kung ano ang nangyari pagkatapos ng birthday ko?
Natulog din ako sa living room.
After lunch na sila nagsiuwian.

Pagkadating namin ay bumaba na agad si Nicomaine at dumirecho na sa loob para icheck lahat ng kailangan ngayong grand opening. Sabi nga niya ay hihintayin nalang niya ako at sabay nalang kaming pumasok pero ako na ang nagsabi sakanya na susunod nalang ako at ako na ang maghihintay sa mga kaibigan namin.

Nauna pa kaming makarating dito dahil sinundo pa ni Josh isa isa ang mga tukmol.

"Eli!" Hulaan niyo kung sino yung maingay. Tama! Si Janeeva. Buti naman at nakarating na sila.

"Magstart na ba?" Tanong naman ni Kat nang makarating sila sa kinaroroonan ko.

"We'll start in a few minutes. We just got here too" sagot ko naman sakanila.

"Where's Maine man?" Tanong ni Brian

"She went inside to check if everything's ready for later." sagot ko naman sakanila.
Inilead ko muna sila doon sa mga upuan na nakahanda para sa maliit na program and parang blessing later.

"Eli!" "Tito M!" napalingon ako nang marinig ko ang mga tumawag saakin.

"Tito! You're here already. Nicomaine is inside po checking if everything's ready" sabi ko sakanya habang nakangiti

"It's nice to see you again Eli" sabi ni tito at nagpakawala ng ngiti na alam mong may ibig sabihin.
Sinuklian ko din siya ng ngiti.

"Hello po tita... ate Niki... Kuya John... Ms. Coleen... Kuya Mike... Dean...Kuya Niko" bati ko isa-isa sakanila at kumakamay o di naman ay bumebeso sakanila "and you big boy" baling ko kay Matti at binuhat ito "how are you?" tanong ko sakanya.

"Matti fine tito M!" Sagot naman nito saakin.

"Let's take a seat po" alok ko sakanila at nagsi upuan na din kaming lahat.
Kalong ko parin si Matti habang kausap ang mga kaibigan namin.
Naalala ko nga na sinabi ko nga pala kay Nicomaine kanina na susunod ako sa loob kaya'y tatayo na sana ako nang maamoy ko ang pamilyar na amoy, napakabango...Nicomaine.

"Mattiboyyyy--" Nang lingunin ko siya ay napatigil siya sa sinasabi niya. napakalapit ng mukha niya, ilang pulgada lang at mahahalikan ko na siya. Yayakapin kasi sana niya si Matti na nasa lap ko ngunit bigla akong napalingon.

"Oh, wag dito" tawang tawa na asar nila Kuya Niko at Dean na siyang nakakita nang nangyari.
Napatingin naman ako sa side ko at si Nicomaine naman ay napalayo at umupo sa tabi ko pagkatapos ay kinuha si Matti.

"Are you guys back together?" Tanong ni tito saamin at hindi naman kami makasagot ni Nicomaine.

"Hindi pa tay! Ewan ko ba kay Meng at di nalang sagutin ulit si Eli, di naman tumigil manligaw yan" sabi naman ni ate Niki kaya inasar nanaman kaming lahat.

"Excuse me everyone, i have to attend to the other guests..." excuse ni Nicomaine at ibinalik saakin si Matti

"Is that true Eli? Well, i've heard from Nicomaine the truth about your break up and i must say she wasn't thinking clearly that time" sabi ni tito na lumipat sa tabi ko kaya dalawa lang kaming nag uusap ng masinsinan.

"Well it is true that i haven't stopped courting her tito. I'm sorry i did not tell you po" sagot ko naman sakanya

"It's okay Eli. I know your intentions are pure. i'm in for you pursuing her. I appreciate that Eli." Sabi ni tito at tinap ako sa balikat at binigyan ng napakasincere na ngiti.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang mass at blessing ng cafe pagkatapos ay may program kaunti to formally open and start its operations.

"Congratulations" bulong ko sakanya nang masaktuhan kong wala siyang kausap at inaasikaso. Kanina pa kasi siya nag eentertain ng guests at nag aassist ng mga staff niya.

Gulat itong lumingon saakin kaya nahampas pa niya ako kaunti sa braso ko.
"Thank you Eli!" Sabi nito saakin

"Maxence sounds better when it's coming from you" sabi ko sakanya at parang nagulat naman ito sa sinabi ko

"C-can i get you anything?" Tanong nito para ilihis ang usapan.

"Can i have a chicken pesto and any frappe that is coffee based?" tanong ko sakanya at inasikaso naman niya agad ito.

"I'll serve it to you rightaway. Go and have a seat" sabi niya at sinunod ko naman ito.

Doon ako sa may corner at umupo sa pangdalawahan na couch. Medyo parang private yung spot na iyon. Maganda itong cafe ni Nicomaine. Ito pala iyong trinabaho nila ni ate. Very french ang dating dito.

"Here's your order sir. One chicken pesto and dark mocha frappe. Enjoy your meal!" Sabi ni Nicomaine habang inaayos sa table ko ang dala niya.

Hinawakan ko naman siya sa kamay kaya napatingin siya saakin. Pinaupo ko muna siya sa tabi ko at ibinigay sa staff niya yung hawak niyang tray.

"Now it's time for you to eat"sabi ko habang kumukuha ng pagkain sa plato.
Sinubuan ko siya at nakatingin lamang siya saakin habang tinatapunan ako ng mapagtanong na tingin.

"Eat. You haven't eaten the whole day" sabi ko sakanya at pumayag naman ito. Inaagaw pa saakin ang fork ngunit sabi ko sakanya susubuan ko nalang siya.
Nang maubos naman niya ang pagkain ay nag thank you pa ito saakin.

"I'm really proud of you Nicomaine. I'm happy you are happy. You've finally reached one of your dreams" sabi ko sakanya.

"I still can't believe sometimes that i finally am opening Coffee Club"sabi niya at napakalaki ng ngiti niya "thank you for appreciating it"dagdag pa nito.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit at dinama lang yung pagkakataon na iyon. Miss na miss ko na siya sobra. Gusto kong kami nalang ulit, gusto kong ipaalam sakanya ang nararamdaman ko and at the same time, naisipan ko namang asarin ito

"I love you too... Nicomaine" sabi ko at agad naman itong kumalas sa yakap at tinanong ako.

"So it wasn't just a dream?" gulat man ay nagawa pa niyang itanong yan.

Paano kasi mag iisang linggo na niyang iniisip kung panaginip ba daw yon or hindi. Nagugulat nalang ako nung mga nakaraang araw tinatanong niya ako kung may nasabi daw ba siya saakin pero lagi ko siyang hindi sinasagot.

"Well, it wasn't. Why? Don't you mean it?" Parang napanghinaan ako ng loob pero kailangan ko naman ito.

"I did. It is true" sagot ni Nicomaine and it was my turn para magulat.

Nicomaine and the Fallen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon