JHOPEEEEEEEEEE (29)

Start from the beginning
                                    

"Wag kang lilingon", bilin ko kay Keysie,

"Natatakot ako Gel", sabi niya saka hinigpitan ang hawak sa braso ko,

Eto talaga yung ikinatatakot ko eh, bakit kase ang kulit niya sinabing maghintay nalang kami dun eh,

"Miss ang susungit niyo naman!", sabi ng lalaki saka hinila sa kamay si Keysie,

"K-Kuya bitawan niyo po siya", sabi ko sa lalaki,

"Kuya bitawan mo ko natatakot ako", sabi ni Keysie,

Nakakapit pa siya sa braso ko kaya hinila ko siya papalapit sakin pero mas malakas si kuyang lasing kaya paghila niya kay Keysie ay nabitawan ko ang kamay nito dahilan para maout of balance ako,

"Wag kayong matakot, di naman namin kayo sasaktan eh basta ibigay niyo lang yung gusto namin", napalunok ako ng makitang may dalawa pang lalaking lumapit samin na kainuman yata ni kuyang nanghihila,

Sa takot ay bigla kong kinuha yung phone ko at idinial si Ran pero bago pa niya masagot ay nagshutdown na ang phone ko,

Kung minamalas ka nga naman,

"Anong bang gusto niyo?", nanginginig na tanong ni Keysie,

"Kayo! Dali na", sabi nung isa saka pilit hinuhubaran si Keysie, kaya di ko na natiis pa at inalis ko ang 2 inches wedge shoes ko at ibinalibag sa lalaking nanghuhubad kay Keysie, mabigat ang sapatos ko kaya medyo nahilo si kuya,

Hihilahin ko na sana si Keysie pero lumapit sakin yung isang lalaki at hinawakan ako sa mukha,

"Yan ang gusto ko palaban", sabi niya at akmang ilalapit sakin yung mukha niya pero tinuhod ko siya sa down there kaya napabitaw siya sakin at napahawak sa alaga niya,

"K-Keysie! Itulak mo siya", utos ko kay Keysie pero nagulat kami ng tutukan kami ng baril ng isa pang kasama nila ng makabawi na mula sa hilong hatid sa kanya ng wedge shoes ko,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now