Prologue:

16 0 0
                                    

Ilang taong narin ang nakalilipas mula nong mawalan ako ng ama Dahil sa isang car accident na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya, hindi Kasi malaman kung Sino ang nagpatanggal ng preno ng sasakyan na sinakyan namin papuntang tagaytay noon para sa isang family gatherings at sa kasamaang palad ay nabawian ng buhay ang aking ama habang kami naman ng aking ina ay nailigtas pa. Marami Kasi ang inggit sa aking ama noon Dahil isa siyang matagumpay na business man at nangabagsak ang Ibang kompanya mula noong sumikat siya.

Mula nong mag-asawa ulit ang nanay ko ay pinili kong mangibang Bansa para ipagpatuloy ang nasimulan kong career, nawala na rin ang kompanya ng aking ama Dahil pinabayaan ito ni inay. May bago na siyang pamilya kaya pakiramdam ko kulang na ang atensyon nya sa akin kaya't minabuti ko na lamang na lumayo dito sa probinsya kung Saan naroroon sila. Nakipagsapalaran ako para maipagpatuloy ko ang pagmomdeling kaya't ayun. Nakarating ako sa Ibang bansa at naging matagumpay.

Wala akong Ibang pinangarap sa buhay kundi ang magpursigi para maabot ko ang pangarap ko at Dahil ang pagmomodeling ko rin ang sinusuporta ko sa sarili kong mga pangangailagan. Bata pa lamang ako noon at ito na ang gusto sa akin Ng aking ama kaya't kahit Wala na Siya ngayon ay ipinagpapatuloy ko pa rin, hindi lamang para sa kagustuhan ng aking namayapang ama kundi para na rin matustusan ko ang aking sariling pangangailangan.

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon