Arrie's POV
Nag eecho padin sa utak ko Yung huli niyang sinabi sa akin, "Sorry Arrie it's just a dare" Hindi ko maintindihan Kung bakit kailangan niya pa akong lokohin para Lang sa isang dare. Hindi ko Alam Kung paano ako napunta sa tapat ng isang cake shop dahil Ang Alam ko Lang ay naglalakad Lang ako habang tumutulo Ang luha ko. Pumasok ako sa cake shop at umorder ng chocolate cake tsaka ako umupo sa bandang likod ng shop, ng makaupo ako ay bigla nanamang tumulo Ang mga luha ko na tila walang katapusan. Dumating ang order ko ngunit nakayuko Lang ako habang umiiyak padin ako ng biglang may nag-abot sakin ng isang panyo, napatingala ako at nagulat ako ng Makita ko si Harvy na puno ng pag aalala Ang mga mata niya. Wala sa sarili Kong kinuha Ang panyo at pinunasan Ang luha ko hanggang sa unti-unti akong tumahan. Tumabi sakin si Harvy at tumingin Lang siya sakin ng puno ng pag-aalala habang kinakain ko Ang cake na inorder ko. Pagkatapos kong kainin Ang cake ko ay hinila ako ni Harvy patungo sa kotse niya. "Please trust just this once Arrie" hindi ko Alam Kung bakit nagtiwala ako sa kaniya na dalhin ako sa Kung saan mang lugar. Muli nanaman akong umiyak habang nasa byahe kami hanggang sa makatulog ako. Naramdaman Kong huminto Ang kotse at nagbukas Ang pintuan sa tabi ko na naging dahilan para buksan ko Ang mga mata ko hinila ako ni Harvy at Nakita ko Kung nasaan kami, nasa isang bangin kami Kung saan Makikita mo Ang karagatan at Ang langit na puno ng bituin. "Isigaw mo lahat ng gusto mong isigaw at iiyak mo lahat ng luha mo dahil simula ngayon ay sisiguraduhin Kong ngayon Ang huling araw na iiyak ka dahil Hindi na Kita papakawalan pa"
