Oras ng aming P.E, halos lahat sa aking kaklase ay naka-jogging pants at naka white T-shirt.
Dumating na si Mam Ana para simulan na ang aming P.E.
"Okey ang lahat ay pumila at bumaba para pumunta sa quadrangle." utos ni Mam Ana
Ang lahat ay tila excited para sa aming P.E ★
"Karl, gusto mo partner tayo?" tanong ni Jonnell sa akin
"Ikaw, gusto mo ba? para tayo ang mag-kapartner." tanong ko kay Jonnell
"Sige,sige!"sagot ni Jonnell na tuwang-tuwa
Hanggang sa mag-tanong na si Mam kung sino ang mag-kakapartner.
"Ikaw Jonnell, sino ang kapartner mo?" tanong ni Mam kay Jonnell
"Mam, si Karl po!" sagot ni Jonnell na pasigaw
"Kailangan talaga sumisigaw? Ha! Jonnell? tanong ni Mam na pagalit
"Sorry po Mam." pag-hingi ng paumanhin ni Jonnell kay Mam Ana
"Okay, mag-start na tayo."
Ang lahat ay nakangiti at kinakabahan, bubunot si Mam Ana kung sino ang unang sasabak.Ang nabunot niya ay kaming dalawa ni Jonnell.
"Oh!Jonnell at Karl pumuwesto na kayo dito sa may dotted lines." utos ni Mam Ana
"Opo Mam." sagot naman ni Jonnell
"Mam,Ano po ba ang ating activity ngayon?" tanong ko
"Ang ating isasagawa ay Pamalayuang Lundag o Long Jump sa English." pahayag ni Mam Ana
"Kakayanin kaya namin to?" tanong ko sa aking sarili
"Oh! Ano Karl handa ka na ba?" tanong ni Mam Ana
YOU ARE READING
"Diary ng Grade Six A -Iris"
General FictionGrade 6 A Iris Diary Adviser: Mam Ailyn Chu Subjects Teachers: Mam Analyn Repalda (Science & MSEP) Mam Leah Cato (Filipino & Hekasi) Principal: Cynthia Marcelo No. of Students: 37 School: Bahay Pare Elementary School City: Meycauayan City,Bulacan B...
