Bakit Siya Pa?! (One-Shot Story)

544 42 11
                                    

One-Shot Story.

[Bakit Siya Pa?!]

“Tulungan mo naman akong manligaw oh?”

“Ligaw? Kanino?”

“Kay Seline.”

“Si Seline? Gusto mo si Seline?”

“Oo eh. Patulong naman oh.”

Alam mo yung feeling na ang sarili mong mahal nanghihingi ng tulong sayo kung pano manligaw sa ibang babae? Ang sakit lang diba? Ang masama pa nito bestfriend ko pa ang nanghihingi ng tulong.

Oo, na-in love ako sa bestfriend ko. Marami akong nakikilala na naiin love sila sa bestfriend nila. Ang sabi nila mahirap daw at masakit. Ang lagi ko namang sinasabi sa kanila dati, “Sus. Bestfriend mo yan eh! Madali lang yan!” Pero simula nung na-in love din ako sa bestfriend ko mahirap nga. Mahirap magmahal ng tao na kaibigan lang ang tingin sayo.

“Hoy, ano? Tutulungan mo ba ko? Bestfriend naman kita eh!”

Bestfriend naman kita eh!

Bestfriend naman kita eh!

Bestfriend naman kita eh!

Bestfriend naman kita eh!

Bestfriend lang. Bestfriend niya lang ako.At dahil nga bestfriend niya ko tutulungan ko pa rin siyang manligaw sa iba kahit sobrang sakit. Pinilit ko naman na pigilan yung nararamdaman ko sa kanya eh. Kaya nga lang huli na. Hindi ko na mapipigilan dahil tuluyan na nga akong nahulog sa kanya.

Mahirap ma-in love sa bestfriend.

Una: Kaibigan lang ang tingin niya sayo.

Pangalawa: May chance na layuan ka niya kapag nalaman niya na mahal mo siya.

Pangatlo: Pano kung naging kayo nga? Tapos naghiwalay kayo. Kaya niyo pa bang bumalik sa dating kayo na magkaibigan kapag mag-ex na kayo?

Pang-apat: Ang what-ifs. What if kung aminin ko nga sa kanya tapos layuan niya ko? What if kung sabihin ko sa kanya na mahal ko siya tapos mahal niya rin pala ako? What if kung kami pala talaga? What if kung magbreak kami sa huli?

At marami pang iba.

Pero siguro, sa lagay ko ‘to. Na may mahal na siyang iba. Siguro kailangan ko na siyang layuan para matigil na ‘tong feelings ko sa kanya. Kailangan ko siyang iwasan para hindi na ko masaktan pa.

“Hoy, sige na please! Tulungan mo na ko!”

Bakit Siya Pa?! (One-Shot Story)Where stories live. Discover now